DENISSE MENDOZA SORIANO"Dahil mahal na kita!"
Kaso sabi mo joke lang. Dalawang beses na 'syang nagjojoke sakin.
Kung alam mo lang mahal na kita Nathan. Kaso alam kong di naman ako kayang mahalin.
Umaga na, naalala kong kailangan kong sumabay kay Nathan sa pagpasok at pag'uwi simula ngayon.
8:30 ang klase namin at 5pm naman matatapos.
Bumaba na ako sa nandun na 'sya.
"Ang tagal mo naman Denisse! Pinaghintay mo nanaman ako."
"Pasensya na po kamahal kung napaghintay kita!"
"Sige sakay na. Baka ma'late pa tayo."
Sumakay na ako. Di manlang ako Pinagbuksan ng pinto ng mayabang na'to!!!
"Nathan, ibaba mo ako sa kanto malapit sa school mamaya. Tapos maglalakad nalang ako. Dun nalang din kita aantayin kapag uuwi tayo"
"Hindi. Bakit ba kasi kailangan pang itago natin na mag'asawa tayo ha?!"
"Diba sabi mo baka ka pagtawanan pagnalaman nila? Iniisip lang kita Nathan."
"Kung malaman nila wala na akong pakialam. Wala na silang magagawa dun. Mabuti narin yun dahil nagsasawa na ako sa mga babaeng habol ng habol saken."
"Nathan naman, please..... Mag'asawa lang naman tayo sa papel. Pero hanggang dun lang 'yun diba?!"
Hindi na sumagot 'tong mayabang na 'to. Bahala na nga. Siguradong masasabunutan ako ng mga babaeng sinasabi 'nya.
Nasa parking lot na kami. Pero di ko alam kung baba ba ako o hindi.
"Denisse, tara na!"
"Ha? E mauna ka na Nathan. Susunod nalang ako."
Bumaba na si Nathan. Kaso.......
Pumunta 'sya sa tapat ko at binuksan ang pinto.
"Baba na bilis!"
"Nathan naman!"
"Hahalikan kita pag di ka bumaba 'dyan! Dali na! Male'late na tayo."
Ayan nanaman yang panakot na halik 'nya.
"Kainis ka!! Ayan na bababa na kamahalan."
Nakababa na ako sa kotse. May mga nakatingin na sa amin.
"Grabe kasama ni Nathan yung babaeng yun. Anong meron 'sya?"
"Ang swerte naman 'nya. Lahat pinapangarap na makasakay sa koste ni Nathan."
Bulungan nila pero naririnig naman.
Wala lang kay Nathan. Pero bigla 'nyang hinawakan ang kamay ko. Kaya napatigil ako sa paglalakad."Nathan, wala sa usapan 'to!"
"Denisse, kasal na tayo. Normal na'to!"
"Oo nga alam ko. Kaso kasal lang tayo. Pero hindi tayo nagmamahalan Nathan."
"Ganun na rin yun! Tara male'late na tayo."
"Ganun narin yun?!! Anong ibig mong sabihin Nathan?!"
"Kapag di ka tumahimik ikikiss na talaga kita!"
Kaya di na ako nagsalita. Lahat ng madadaan namin nakasunod ng tingin.
"Nathan nakatingin sila sayo."
"Sayo sila nakatingin Denisse. Ang gwapo kasi ng kasama mo."
"Hay!!! Ang yabang talaga!!"
Hanggang sa makarating na kami sa building. Hinatid pa talaga 'nya ako.
"Sabay tayong maglunch mamaya ha. Daanan kita dito!"
"Oo na, kapag tumanggi ako sasabihin mo nanaman na hahalikan mo ako e."
"Good! Sige mamaya nalang."
BINABASA MO ANG
Love at First Kiss (EDITING)
RomanceFirst Kiss? Simula nung hinalikan 'nya ako di na 'sya nawala sa isip ko. Love na kaya ang tawag dun?