NATHAN SORIANO
Pagkarating namin sa bahay. Naupo ako sa sofa dito sa sala.
Lumapit sakin si Denisse at humawak sa braso ko.
"Honey, ang weird mo.. May sasabihin ako sayo.."
Pero itinulak ko 'sya.
"Honey... Bakit?!"
Nangingilid na ang mga luha 'nya.."Anong ibig sabihin nito Denisse??!!"
Ipinakita ko yung picture sakanya..
"Wala yan honey.. Kay Ynna yan.. Saka boyfriend 'nya yan!!"
"Boyfriend 'nya??? O sayo?!!"
Tumayo ako at tumalikod sakanya."Honey.. Pakinggan mo muna ako..sakin ka maniwala.. Boyfriend ni Ynna yan..Pina..."
Yumakap 'sya sa likod ko.
"Di ko na pinatapos yung pagsasalita 'nya.."
Inalis ko yung kamay 'nya sakin."Mahal na mahal kita Denisse tapos ganto!! Umalis ka na.. Simula bukas ayaw na kitang makita.. Maghiwalay na tayo!!"
Saka ako umakyat sa kwarto ko. Masakit sakin to dahil mahal ko 'sya pero mas masakit sakin yung nakita ko kahit sa picture lang.
Iniwan ko 'syang umiiyak sa living room.
DENISSE MENDOZA SORIANO
Yung puso ko parang dinudurog sa mga sinabi 'nya..
Umalis ka na.. Simula bukas ayaw na kitang makita.. Maghiwalay na tayo!!"
Sobrang sakit.. Di ko kaya..
Hindi manlang ako pinakinggan ni Nathan. Wala naman akong kasalanan. Wala naman akong ginagawang masama.
Umakyat na ako sa dati kong kwarto.
At dun ako umiiyak..Maghiwalay kami? Ayaw na 'nya akong makita? Bakit? Wala naman akong ginawang masama.
Bigla kong naalala yung sinabi sakin dati ni Ynna. Na 'sya ang gagawa ng paraan para magkahiwalay kami ni Nathan.
Pero paano ko sasabihin sakanya kung mas papaniwalaan 'nya yung picture na kasinungalingan lang ang pinakita kesa sakin na asawa 'nya.
Paano ko pa sasabihin sakanya na magkaka'baby na kami.. Na buntis ako.
Ngayong sinabi 'nya na ayaw na 'nya akong makita at maghiwalay na kami.
Hindi ko kaya.. Paano ako nito..
Saan ako pupunta? Hindi pwede kila mama at papa. Hindi rin pwede kila Leanna at Mikhailla.
Nag'iwan ako ng note sa study table ko. Kasama nun yung pregnancy test kit na ginamit ko.
"Nathan .. Ang sabi mo mahal mo ako, pero pinaramdam mo sakin na balewala ako. Mas naniwala ka sa kasinungalingan kesa sa taong sinasabi mong mahal mo. Bakit di mo ako hinayaan mag'explain? Sobrang sakit.. Sinaktan mo ako.. Kami ng magiging anak mo..
Mahal na mahal kita.. Di ko magagawa lokohin ka."
Bago ako umalis.. Dala ang Ilang gamit ko.. Huminto muna ako sa tapat ng pinto nya.
"Nathan alam kong naririnig mo ako. Aalis na ako, dahil ito ang gusto mo. Pero sana wag mong pagsisihan ang naging desisyon mo. Dahil wala ng babalik sayo. Paalam."
BINABASA MO ANG
Love at First Kiss (EDITING)
RomanceFirst Kiss? Simula nung hinalikan 'nya ako di na 'sya nawala sa isip ko. Love na kaya ang tawag dun?