Chapter 3

2.7K 71 0
                                    

"Class dismissed!,"sabi ng prof namin.


Inayos ko na yung mga gamit ko at inalagay sa bag.

Lumabas ako sa room at nakita ko si Dave na naghihintay.

"Liah sabay tayo kain libre mo ako,"sabi niya sabay akbay saakin.

"Wow lang ha ang yaman yaman mo nagpapalibre ka pa saakin,"pagtataray ko sa kanya.

"Wow din ha sinong mas mayaman?," tanong niya sabay tinggal ang akbay niya sakin.

"Naku sige na nga, gwapo gwapo kuripot naman," bulong ko

"What?," tanong niya kahit narinig naman niya.

"Wala wala," sagot ko naman.

Naglakad na kami papuntang cafeteria.

Umupo na kami at ibinaba ang dala naming bag. Kinuha ko yung wallet ko at dumiretso sa counter para bumili. Ako na ang bibili kasi baka dugain nanaman ako ni Dave at marami na naman siyang iorder pero hindi naman kayang ubusin.

Bumili ako ng dalawang slice ng chocolate cake,ice tea and french fries.

Pagkatapos ko bumili,bumalik na ako sa table namin ni Dave pero nagulat ako ng may iba pang nakaupo.

And who? guess what? Si Mike at Si Xyan.

Nilapag ko na yung tray.

"Hi Liah,kamusta kana may nanliligaw na ba sayo?," tanong ni Mike at nilapag niya ang bag niya sa table.

"Hoy Mike baka ang ibig mong sabihin gusto mo syang ligawan," seryosong sabi ni Xyan tsaka iniinom ang softdrink na hawak niya.

"Naku ikaw lang ang nag iisip nyan baka ikaw," sagot naman ni Mike at tumingin saakin.

"Hoy tumahimik nga kayo jan sabi ng hindi pwedeng ligawan ehh," sabat naman ni Dave sa dalawa habang kumakain.

"Sino naman bang magtatangkang ligawan yan eh napaka manang,baka si Mike," sagot ni Xyan tsaka shinoot sa basurahan ang bottle na softdrink na iniinom niya kanina.

"Wow grabeng mang lait akala mo kung sinong gwapo,gwapo ka ba?,"sabi ko sa isip ko at nagpatuloy lang kumain.

"Hoy konting ayos lang kay Liah maganda na yan,pero may gf na ako ehh" sabi ni Mike sabay turo sa babaeng papalapit saamin.


Tinignan ko kung sino ang tinuro niya at biglang umupo sa tabi ni Mike.

Maganda,sexy at matangkad. Napakaperfect naman niya bakit para ang unfair ng mundo. Para siyang model.

"Gayahin mo tong si Kyla,diba ang ganda nya almost perfect," pagmamalaki niya sa babae.

"Hi I'm Kyla, Mike's girlfriend," pakilala niya sa sarili niya sabay inilahad ang right hand niya at nagshakehands kami.


"Liah," pakilala ko naman sa kanya.

Kiniss ni Kyla si Mike sa pisnge and napakasweet nila ngayon.


"Guys gusto nyo bang lumabas tayo, alam mo na party party,"yaya ni Kyla saamin.

"Naku ang mas maganda magbakasyon tayo sa isang island kahit dalawang araw lang,"sagot naman ni Dave.


"Maganda yang naisip mo Dave," pagsupport naman ni Kyla sabay tingin saakin.

"Sa sabado tayo aalis,madaling araw,ano payag ka Liah?," tanong ni Kyla saakin.

Casanova King Meets Amnesia Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon