Chapter 39

1.5K 31 1
                                    


Kyla's POV

Habang nakikipaglaban kami may narinig kaming tunog ng baril galing sa taas. Nagkatinginan kami ni Mike at umakyat kami sa taas.


Naabutan namin na nakahandusay na si Don.Ramil at Larry. Si Liah naman ay nakahubad as in walang kahit na anong suot at magkayakap sila ni Xyan.


"Liah!,"tawag ko sa kanya at tumakbo ako papalapit sa kanila.

"Tapos na ang laban Liah,"bulong ni Xyan.

Nagulat kami ng nahimatay si Liah.



"Dalhin niyo siya kailangan natin madala siya sa hospital,"tarantang taranta ni Dave.

Lahat kami ay bumaba at tumawag ng albulansya.


"Liah kapit,"maluhaluhang saad ni Xyan habang hawak hawak ang kamay ni Liah.



Nang makarating kami sa hospital ay dinala na siya sa E.R.


"Dave bakit anong nangyayari sa kanya?,"tanong ko kay Dave pero hindi siya sumasagot kundi umiiyak na siya.


"Dave!,"hindi pa rin siya sumagot.




Anong nangyayari? bakit ayaw niya sabihin saamin? Sa ngayon wala akong magagawa kundi ang magdasal muna. Lord huwag niyo munang kukunin si Liah huwag muna please...Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala si Liah.




Pagdating nila tito at tita napaiyak na agad sila ng makita nasa E.R ang anak nila.



Tatlong oras at sa wakas ay lumabas na ang mga nurse at doctor sa E.R.



"Doc anong nangyari po sa kanya?,"daliang tanong ko.



"May tama po siyang isang bala sa katawan at ipapaexamine pa po siya kung may damage pa sa ibang parts ng body niya but as of now nasa mabuting lagay na siya,"paliwanag nang doctor.


Inalis na siya sa E.R at nilipat sa normal room.



"Maraming salamat sa inyo dahil tinulungan niyo kaming matapos lahat ng gulong nangyayari maraming salamat,"maiyak iyak na pasalamat ni tita Sally saamin.


"Tita parang hindi naman po kayo naiba saamin diba po family tayo kaya wala po yun,"saad ni Mike.


"Gising na si Liah,"kita ko kay Liaat nagsipuntahan kaming lahat sa kanya.


"Lumayo kayo saakin paano niyo nagawa saakin yun ang magsinungaling?,"mahinang sabi niya dahil nanghihina pa rin siya.



"Liah para hindi ka masaktan at hindi magulo yung buhay mo,"pilit na paliwanag ni tito.





"Masaktan?Hindi niyo ba alam na tuwing sasapit ang midnight lagi akong nagigising dahil sumasakit ang ulo ko dahil sa mga lumalabas na litrato sa utak ko pero ngayon unti unti ng nagiging malinaw ang akin lang naman ay bakit niyo nilihim saakin oo sabihin na nga natin na makakasama saakin ang sakit lang talaga sorry,"kwento niya habang umiiyak.



"Anak sinubukan ka namin ilayo sa kanya pero hindi namin nagawa patawarin mo kami,"pagmamakaawa ni tita Sally at niyakap niya si Liah.


Natahimik kaming lahat pati ako ay umiyak na din.

"L-Liah gusto naman namin sabihin sayo pinangunahan lang kami ng takot,"maital utal na saad ko.


Casanova King Meets Amnesia Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon