Chapter 14

1.8K 36 0
                                    

Xyan's POV

"Pre hindi ka ba talaga sasama?,"tanong ni Dave galing sa banyo.

Naligo sila malapit sa kitchen kasi may banyo doon.

"Hindi pre sakit ng ulo ko hangover,"sabi ko habang hawak hawak ang ulo ko at hinihimas himas.


"Ang tagal naman nila,siguro nag ayos pa yun,"angal ni Mike habang naglalaro ng cellphone.



"I present to all of you my bestfriend, Liah!,"pagpapakilala ni Kyla kay Liah.



Lumabas si Liah sa kwarto niya at unti unti siyang bumaba sa hagdan.

Parang naging slow motion ang lahat at bakit ang bilis ng puso ko.

Dug.dug.dug.

Anong nangyayari saakin? Lahat kami ay napatulala kasi kahit wala siyang make up ang ganda niya.

Bumalik kaming lahat sa katinuan kasi nakababa na pala si Liah.

"Sabi na Kyla ang pangit ehh hindi bagay,"sabi niya.

"She looks so beautiful right?,"tanong saamin ni Kyla.

Tumingin saakin si Liah kaya nagsalita ako.

"Hindi kaya bagay parang walang pinagbago," pagsisinungaling ko at umakyat na sa kwarto ko.

Ang ganda ganda niya pero may mahal na ako kaya hindi na pwede ierase mo yan Xyan.


Liah's POV

"Napakalaitero mo talagang Xyan ka akala mo kung sinong gwapo!,"
Sabi ko sa isip.

"Liah huwag ka makinig doon ang ganda mo kaya,"bolero na sabi ni Mike.


"Napakabolero mo kahit kailan,"sabi ko kay Mike na may kasamang batok.

"Tara na alis na tayo!,"yaya ni Kyla at lumabas na kami ng apartment.

Mall....

"Best ang ganda sayo neto,"sabi ni Kyla at tinuro yung necklace.

Oo nga ang ganda yung pendant niya ay dalawang sing sing na ang design ay infinite.


"Naku bhe walang forever,"sabi ko.


Lumungkot naman ang mukha ni Kyla. Parang ayoko ng nakakakita ng couple na sweet maliban kala Kyla at Mike.

Kyla's POV


Biglang lumungkot ako ng sabihin ni Liah 'yun. Baka hindi pa talaga kaya ng puso niyang umibig ulit kasi nakakulong yung puso niya sa nakaraan.

"Kyla sa national books store tayo bibili kasi ako ng mga gamit pang painting,"yaya niya saakin.

Pumunta kami sa national books store at namili na siya. Ako naman bumili ako ng mga pwedeng basahin kapag nasa airport na kami.

"Kyla bago kayo umalis may ireregalo ako sa inyo,"sabi ni Liah pagkatapos namin bumili.

Alam ko na yung ireregalo niya kasi dati kapag umaalis kami papuntang iba't ibang bansa binibigyan niya kami ng dinrawing niyang mga mukha namin.

"Okay,"sagot ko.

Pumunta na kami sa restaurant kasi doon kami magkikitakita nila Mike at Dave.

Casanova King Meets Amnesia Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon