Chapter 8

2K 51 0
                                    

Kyla's POV

Lumabas na kami sa apartment ni Liah.

"Nakakatawa talaga yung dalawa parang aso't pusang nag aaway," matawatawang sabi ni Mike habang nakahawak sa tiyan niya.

"I'm sure magkakatuluyan yung dalawa," dagdag niya pa.

Biglang may naalala ako at naging serious ako.

"Mike,Dave paano kapag bumalik si—," hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil nagsalita agad si Dave.

"Hindi siya babalik subukan niya lang guluhin ulit yung buhay ni Liah ako na ang makakalaban niya," mariin na sabi niya

"Sana nga bumalik na sa dati ang lahat," hiling ko naman.

Inalalayan na ako ni Mike para sumakay sa van niya.

"Hayaan mo Kyla babalik din ang lahat sa dati kailangan lang natin magtiwala kay Liah," pagpapakalma saakin ni Mike..

"Mike dumiretso tayo kay tita Sarry,"walang emosyon na sabi ni Dave.

Minsan hindi namin maintindihan yan si Dave pabago bago yung emosyon niya.

Sa tagal naming pagkakaibigan never pa kaming nag away kasi pinapakinggan namin ang isa't isa. Sa pagkakaibigan nga namin nabuo ang pagmamahal ko kay Mike naalala ko tuloy dati.......

Flashback.......

"Kyla anong gusto mo chocolate o flower?,"tanong saakin ni Mike .

Nandito kami sa tapat ng shop ng mga pang regalo,valentines day kasi ngayon.

"Bakit bibigyan mo ba ako?," pabebeng tanong ko naman.

"Oo kaya pumili kana," hiyang sabi ni Mike..

"Mas gusto ko kasi ang flower pero mas maganda kapag parehas,chocolate and flower," pag iinarte ko.

"Ahhhhh sige wait mo ako jan," sabi niya at kinuha ang gamit niya para umalis.

"Hoy Mike baka hindi mo na ako balikan ha!," mataray na sabi ko sa kanya.

"Babalik ako promise," sabi niya na kinapatag ng loob ko.

Magteten minutes na pero hindi pa rin bumabalik si Mike.

"Kainis naman yun, baka namili pa ng flower,yung lalaking talaga yun," inis na sabi ko.

Pumasok ako sa shop pero nagulat ako ng may mga petals na nakakalat sa sahig.

Sinundan ko lang yung petals na nakakalat sa sahig.

Unti unti kong nakita si Mike na may hawak na chocolate at flower.

"Happy valentine's day my Mikay," sweet na sabi niya saakin

Nasa gilid niya si Dave at Liah.

Nagulat ako ng biglang lumuhod si Mike.

Napatakip ako ng bibig.

"Can you be my girlfriend?," tanong niya habang nanginginig.

"Mike tumayo ka nga nakakahiya,"
Sobrang init na ng mukha ko feeling ko pulang pula na ako sa sobrang kilig.

"Answer my question,"dagdag pa niya.

"Yes,"tumulo na yung mga luha ko.

"Talaga yess! girlfriend ko na siya," masayang sigaw ni Mike at niyakap niya ako ng mahigpit tsaka binuhat.

Casanova King Meets Amnesia Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon