Liah's POV
"Naku!!!!!!!! Malalate na ako bakit hindi mo ako ginising,"sabi ko sa alarm clock ko.
Tumakbo ako papuntang banyo para maligo.
Mabilis lang ako naligo at nagtooth brush at nagbihis na ako.
Never sa buong buhay ko ang mag make up kasi ayoko talaga,sabihin na natin na manang ako pero ayoko talaga nang kaartihan sa mukha o sa damit gusto ko simple lang.
Calling Mommy........
"Hello mom,"bungad ko sa tawag ni mommy habang palabas nang bahay.
"Manong tara na po," sabi ko sa driver pagpasok ng sasakyan.
"Anak bakit kagigising mo lang dapat nagseset ng alarm clock mo bibigyan kita ng kasama mo sa bahay para magising ka hindi yung nalalate ka,"takang tanong ni mommy.
"Mom wag na po hindi na kailangan I can handle ngayon lang naman ako nalate and I hate someone controlling me in my apartment so no need, babye I love you po,"sabi ko at inend call yung tawag.
Nang makarating kami sa University. Bumaba na agad ako at tumakbo papunta sa room ko.
Kainis talaga late na ako nakalimutan ko nanaman mag alarm.
Tumakbo na ako at kahit may nababangga akong mga studyante takbo pa rin ako ng takbo pero ng paakyat na ako ng hagdanan bigla akong natapilok at buti na lang may lalaking sumalo sa akin kaso lang nakatakip yung mukha niya na black mask at nakajacket siya na black.
"Miss huwag ka kasing magmadali baka mamaya mafall ka ng hindi inaasahan,"sabi nya ng magkalapit pa rin ang mukha namin pero nagulat ako ng bitawan nya ako at nahulog ako.
"Ayyyyyyyyyy....... Kainis bakit ngayon pa,"inayos ko ang mga gamit ko at tumakbo na papuntang room.
Kahit sabog sabog na yung hair ko hindi ko inaayos kasi nga wala sa vocabulary ko yun and sino naman may pakialam sa itsura ko. And I don't mind if they say that I'm ugly or something else.
Nang makarating ako sa harap ng room huminga muna ako.
Breath in.....
Breath out.....
Tok!tok!tok!
Naabutan kong ang daming paper na nagsisiliparan at may tumama sa akin na paper.
Napatingin sila saakin at saglit silang napatigil at bumalik ulit sa pagbabatuhan ng papel umupo ako sa likod na likod yung last row.
Nag headset na lang ako at nagbasa ng libro pero hindi pa rin maalis sa isipan ko yung lalaki kanina nakakainis sya pero kahit mata lang yung nakita ko sa kanya parang nakakabighani.
Calling Mommy.......
"Hello Mommy?,"sagot ko.
[Anak mamaya susunduin ka ng driver mo papunta sa bahay ko,may dinner tayo mamaya kasama yung Xorford Family,and one thing mag ayos ka kasi may anak sila na ubod ng gwapo] sagot ng mommy ko sa kabilang linya.
Call ended......
"WHAT!,"sigaw ko at lahat sila napatingin sa direction ko.
Nagpeace sign ako at tinuloy na nila ulit yung gulo.
Okay napahiya ako dun....
Maya maya pa ay dumating na yung prof namin.
Nagsitigilan silang lahat at nagsibalik sa kanilang upuan.
BINABASA MO ANG
Casanova King Meets Amnesia Girl (Completed)
Roman pour AdolescentsTahimik na buhay biglang gugulo......dahil sa dumating na casanova king Kasama ng gulo ng buhay ko ay kasiyahan na kasama ko siya....hindi ko alam na nahulog na pala ako....... Hindi ko pa pala kilala ng lubos ang sarili ko..... May sikreto pa lang...