Xyan's POV
Nagising ako dahil sa uhaw kaya bumaba ako pero hindi ko inaasahan na makikitang may kahalikan si Liah nakatalikod kasi si Liah kaya hindi ko makita yung lalaki.
"Hoy anong ginagawa niyo,"tanong ko kaya mabilis akong bumaba pero mali pala yung akala ko kasi si Liah may hawak na Towel at yung lalaki puro pasa. Nakatingin sila saakin ngayon.
Hindi niya ako pinansin kundi ipinagpatuloy niya ang ginagawa niya.
"Liah mamaya magnanakaw 'yan nagpapapasok ka ng hindi mo kilala,"suway ko sa kanya.
Hindi pa rin niya ako pinapansin.
"Liah!,"sigaw ko. Napansin naman niya ako.
"Wait lang,may kakausapin lang ako,"sabi niya doon sa lalaki.
Hinila niya ako pupuntang kwarto ko at isinirado niya yung pintuan ng kwarto ko.
"Ano bang problema mo,"tanong niya habang nakaturo yung kamay niya.
"Ang ano ko lang naman bakit ka nagpapapasok ng hindi mo kilala,"pag aalala ko sa kanya.
"Sa tingin mo tanga ako,sa tingin mo magpapapasok ako dito ng hindi ko kilala,"mataray na sagot niya.
"I know what I'm doing because I'm not a fool,"dagdag niya at umalis na sa kwarto ko.
Dahil sa inis ko natapon ko lahat ng gamit ko sa mini table ko.
Liah's POV
Bumaba na ako kasi baka ano pa masabi ko sa kanya.
"Thank you nga pala ulit ano bang pangalan mo?,"tanong ko.
"Reed Molins,"sagot niya.
Parang familiar yung pangalan niya. Inisip isip ko pero kapag sobrang nag iisip ako ay bigla akong nahihilo.
"Sige mukhang okay kana makakaalis kana,"sabi ko at pinagbukasan siya ng pintuan.
"Sige,"pag agree niya at lumabas na siya sa apartment.
Buti naman at umalis na siya. Sinarado ko na yung pintuan at umakyat na sa kwarto ko.
Xyan's POV
Bumaba ako ng wala na sila. Nakakainis 'yan si Liah siya na nga yung inaalala ko, siya pa yung galit. Bakit ganyan kayong mga babae hindi marunong umintindi?
Sumakay na ako sa kotse ko. Pupunta ako sa bar nang kaibigan ko kahit medyo maaga pa ay umiinom na ako gusto ko lang makalimot.
"Pre aga natin ha,"sabi ni Menard,kaibigan ko na may ari nitong bar.
"Xyan kalimutan mo na siya ang dami daming nakapaligid na babae sayo ehh,si Liah ang ganda ganda kaya niya kapag inayusan,kaso hindi siya nag aayos,"bolerong sabi niya at kumuha ng shot glass para lagyan ng beer.
Kinuha ko naman agad yung shot glass at ininom ko at nagsalita.
"Baliw ka pre never akong magkakagusto kay Liah baka kaibigan pwede pa,"matawatawang ko at kumuha nanaman ng beer at uminom.
"Baka lang naman pero paano kapag nainlove ka sa kanya?,"tanong niya kaya tinignan ko siya ng masama.
"Ang nasa puso ko ay si Sweina lamang,kahit nambababae ako,"dagdag ko habang tinuturo ang puso ko.
BINABASA MO ANG
Casanova King Meets Amnesia Girl (Completed)
Teen FictionTahimik na buhay biglang gugulo......dahil sa dumating na casanova king Kasama ng gulo ng buhay ko ay kasiyahan na kasama ko siya....hindi ko alam na nahulog na pala ako....... Hindi ko pa pala kilala ng lubos ang sarili ko..... May sikreto pa lang...