Chapter 13

1.9K 41 0
                                    

Kyla's POV

"Goodnight Kyla,"Liah.

"Goodnight din,"

Buti na lang at naniwala siya sa'amin muntikan na 'yun.

Umupo ako sa higaan.
Pianagmasdan ko si Liah habang natutulog.
Sobrang mamimiss ko 'tong bestfriend ko.

"Hindi ka makatulog?," tanong ni Mike saakin.

Tumingin ako sa papag. Si Dave at Mike gising pa.

Nakahiga sila ngayon sa papag, gusto din kasi nila matulog dito ehh 'yan tuloy...

"Hindi ko kayang umalis," sabi ko at tumingin kay Liah."Pero kailangan dahil kung hindi tayo pupunta doon baka hindi na natin tuluyang makasama si Liah," lungkot na expression ang lumabas sa mukha ko.


Ayoko ng mahiwalay ulit sa kanya dahil sobra ko siyang na miss ng maghiwalay kami. Kaya noong una kaming nagkita,napayakap ako ng mahigpit sa kanya hindi na nga siya makahinga,at alam kong gulat na gulat siya non,kung hindi lang ako pinigila ni Mike hindi ko na siya bibitawan ehh pero baka kasi makahalata siya.

"My Mikay matulog kana baka lumaki eyebags mo niyan,"pagbibirong sabi ni Mike.

Humiga na ako at ipinikit ang mga mata.

Liah's POV

Nagising ako at napaupo dahil sa panaginip ko. May kasama daw akong lalaki tapos ang saya saya namin kasama sila Kyla,Mike at Dave. Pero hindi ko maaninag yung mukha ng lalaking kasama namin.Parang totoo pero baka si Xyan yung lalaki.


Bakit ba ako nag aalala?ehh panaginip lang naman yun. Bumaba ako para uminom dahil nakaramdam ako ng uhaw.

Pagkababa ko ay biglang nasagi ng mata ko si Xyan. Natutulog siya sa sofa. Nagulat ako ng biglang tumunog 'yung cellphone niya.

Kinuha ko 'yun at sinagot ang tawag. Hindi pa ako nagsasalita ay nagsalita na yung tumatawag.

"Hello Xyan masaya ka siguro ngayon noh sa ginawa natin,alam mo na 'yun,basta kung gusto mo ulit,I'm always free for—"pabebeng sabi ng tumatawag. Napahawak ako sa bibig ko at inendcall ko 'yung tawag.

Napaka casanova king talaga. Nilagay ko na yung cellphone niya sa gilid niya.

"Ano ba yan, ang baho mo amoy alak ka,"reaksyon ko nang makalapit ako sa kanya ng kaunti.

"Lagi na lang ba ako magpapalit sayo kapag nalalasing ka,bahala ka ngayon,diba casanova king ka,so prove it!,"sabi ko sa isip ko habang nakacross arm at nakataas ang kilay.....hihihi..

Dumiretso na ako sa kitchen para uminom ng tubig.

Habang umiinom ako ng tubig ay biglang nagsalita si Xyan.Lumapit ako sa kanya para marinig ko pa yung sinasabi niya.

"Sweina,"rinig kong sabi niya. Baka 'yun yung babaeng tumawag sa kanya."Sweina sorry,"siguro nga siya 'yun. I'm sure maganda 'yun boses pa lang ehh at hindi siya nakakalimutan ni Xyan kasi pati sa panaginip ay kasama siya. Pero bakit siya nagsosorry ehh kasama lang niya siguro 'yun kanina kasi tumawag pa nga ehh.

Casanova King Meets Amnesia Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon