Chapter 6

2.1K 49 0
                                    

Liah's POV

Nagising ako na nasa sariling kwarto na ako.

Inalala ko  kung paano ako napunta dito sa kwarto ko pero wala. Ang alam ko nandoon ako sa apartment ni Kyla. Paano ako napunta sa kwarto ko? Kung nakatulog pala ako sa apartment ni Kyla.

I open my laptop para magvideo call kay mommy miss na miss ko na kasi sila ehh.

"Liah uuwi na kami ng daddy mo may gusto ka bang ipabili?," sabi naman ni mommy.

"wala po, uwi na po kayo miss ko na kayo ni daddy" sabi ko sabay yakap ng unan nang mahigpit inisip ko na lang na sila yung mga niyayakap ko.

"Sige na anak babye," paalam niya.


Bumuhos na yung mga luha na kanina pa nagbabadyang bumuhos.

Tok!tok!tok!

"Anu ba yan moment ko 'to ehh pwede bang mamaya na lang kayo kumatok,"

"Liah!," rinig kong boses sa labas ng pintuan.

Pinunasan ko yung luha ko at binuksan yung pintuan.Si Dave.

"Liah are you okay?," Dave asked.

"Yes I'm okay, dont worry hindi naman sila naniwala na anak ako ng isa sa may ari ng university," pagkukunwari ko.

Niyakap niya ako at bumuhos na naman yung mga luha ko.Hinagod hagod niya yung likod ko gamit ang palad niya para maibsan ang sakit na nararamdaman ko.

"It's okay hindi na natin itutuloy yung sayaw natin," malungkot na sabi niya.

"Thank you kasi nanjan kayo para sa akin," pasalamat ko sa kanilang lahat dahil may nasasandalan ako sa panahong down na down ako.

"Tara lutuan mo ako ng pagkain,"yaya niya saakin.

"Anong oras na ba?," tanong ko.

Tinignan ko kung anong oras na sa cellphone ko.

"Putek ka ang aga aga nang gigising ka!," palo ko kay Dave sa braso niya.


"Hahahhhaa ka—si nagu—gutom ako ehh," natatawang sabi niya.


"Sige na nagutom kasi ako ehh," pagmamaktol niya.

"Sige bumaba ka na doon mag aayos lang ako ng buhok at maghihilamos," sabi ko naman tsaka tumayo sa higaan.


"Geh antayin kita," sabi niya.

Bumaba na kami at naghilamos tsaka nagsuklay.Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na.


Naghanap ako ng ingredients na kakailanganin,ang lulutuin ko ay yung favorite nya na sinigang na baboy.


Kinuha ko yung plato para maghalo ng ingredients.

Hala bakit nahihilo ako?

Bigla na lang nagdilim ang paningin ko.


Dave's POV

Nagulat ako ng may marinig akong nabasag sa kusina.


Dali dali akong pumunta sa kusina para tignan ang nangyari.

0-0

Si Liah nakahiga na sa sahig.

Ginising ko siya pero hindi siya magising.


Casanova King Meets Amnesia Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon