Chapter 44

1.4K 30 0
                                    

Liah's POV

"Hi sis mamaya pa magsisimula yung party naku ang cute naman talaga ng anak mo,"bati ni Kyla saakin at kinuha niya si Maddy para kargahin. Nakita ko naman na nakatingin si Kyla kay AJ kaya pinakilala ko siya kay Kyla.

"Si AJ nga pala nakilala ko siya sa state, AJ friend ko si Kyla," pakilala ko sa kanilang dalawa.

"Hi Aj,"bati naman ni Kyla.

"Liah may kukunin lang ako sa kotse," paalam ni AJ.

"Hi Liah yan na ba si Maddy?,"tanong ni Mike at pinisil ang pisngi ni Maddy.

"Maddy dyan ka muna kay ninang mo magccr lang si mommy," paalam ko kay Maddy.

Pumunta akong cr para mag ayos nang make up. Ayoko naman makita nila akong haggard dahil lang mommy na ako ngayon. As much as possible I want to impress them.


"Hi Liah ang ganda muna ngayon much better,"bola ng kaklase ko ng college ako.

Nandyan na sila unti unti ng dumadami ang tao dito.Nandito na siguro si Xyan.

"Kyla asan yung anak ko," tanong ko kay Kyla.

"Nandoon siya kasama sila Xyan sa taas," sigaw niya dahil malakas ang sound system.

"Ha?!Xyan?,"gulat na tanong ko mabilis akong umakyat sa taas.

Nang makarating ako sa pintuan narinig ko ang boses ni Maddy na humahalakhak. Nakita ko si Xyan kalaro niya si Maddy. Sobrang saya ni Maddy ngayon ko lang siya nakitang masaya ng ganyan.


Unti unting lumuha ang aking mata.Pinunasan ko agad dahil baka may makakita saaking umiiyak.

Bumaba ako at nakiparty na lang. Umupo ako sofa habang umiinom ng beer.

"Liah nasan si Maddy?," tanong ni Aj at umupo sa tabi ko.

"Nasa taas sila," sagot ko at uminom ulit ng beer.

"Liah, don't drink too much," bilin niya saakin.

Nakita ko naman si Kyla na papalapit saamin.

"AJ magkwento ka naman kung paano kayo nagkakilala ni Liah," sabi ni Kyla nang makalapit saamin.

"Nagkakilala lang kami sa business simula sobrang sungit saakin ni Liah pero hindi naglaon bumait naman siya ng kaunti," kwento ni Aj habang nakatingin saakin.

Kinurot ko siya sa taligiran niya.

"Tumigil ka nga dyan AJ," patigil ko kay AJ.

"Kung hindi nga lang nagwapuhan siya saakin hindi siya magiging mabait,"dagdag niya at inakbayan niya ako.

"Hahahhahha,"napatawa na lang ako nang makitang nakatingin si Xyan saamin at naglalakad papalapit.

"Xyan nasan na sila Rhidion?," tanong ni Kyla.

"Natulog na sila dahil sa pagod," sagot niya.

Andami nilang pinagkwentuhan habang ako ay nakikinig lang sa mga story nila.

"How about you Xyan, do you have  any special someone? ,"tanong ng isa namin kaklase.


"Yah si Sweina actually ayan na siya,"sabi niya sabay tinuro niya si Sweina. Nang makita ako ni Sweina ay gulat na gulat siya na para bang nakakita ng multo.

Casanova King Meets Amnesia Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon