Chapter 35

1.5K 30 0
                                    

Kyla's POV

Bogsh!!


"Ano yun?,"gulat na tanong ko.

"Galing sa taas!Si Liah!,"taranta ni Xyan at umakyat kami agad.

Pagpasok namin nakita namin si Liah na nakahandusay sa sahig. Agad agad kaming lumapit.

"Liah!gising!,"sabi ko habang tinatapik ang pisnge niya.


Ano bang nangyari sa babaeng 'to?baka narinig niya kami huwag naman sana.

"Pre dalhin na natin siya sa hospital!,"utos ni Mike.


Binuhat niya si Liah at dali dali kaming pumunta sa hospital. Sana naman maayos lang ang kalagayan niya.

Pagdating namin sa hospital inasikaso siya ng mga nurse at doctor.

"Sa labas na lang po kayo mag antay we were to observe her,"sabi ng doctor kaya lumabas kami.

Umupo kami sa waiting area. Habang si Xyan hindi mapakali kanina pa lakad ng lakad.

"Xyan you need to calm down it will be fine,"pakalma ni Mike.

"What the f*ck I think she heard us,"sabi niya habang lakad pa rin ng lakad.

"Nasaan si Liah?,"tanong ni Dave na kararating lang.


Tinuro namin kung nasaan si Liah. Kitang kita kay Dave ang sobrang pag alala kahit ako din naman sobrang nag aalala pero si Dave iba yung sa kaniya.


"Anong nangyari?,"dagdag na tanong ni Dave.

"Hindi namin alam nagulat na lang kami ng biglang may kumalabog sa taas,"paliwanag ni Mike.

Lumabas ang doctor at nurse galing sa room ni Liah kaya lumapit kami at nagtanong.


"Anong nangyari po sa kanya?,"tanong ko.

"Samahan niyo po ako kailangan po natin ng private place,"sabi ng doctor saamin.

Sinundan namin siya at pumasok siya sa office niya at pinaupo niya kami.


"May isang tanong lang po ako may sakit po ba siya dati o injuries?,"tanong ng doctor saamin.


"Meron,"sagot ni Dave.

"Nagkaroon po siya ng amnesia,"sabi ko.

"Pwede po bang isa lang ang kausapin ko lumabas po yung iba,"hiling ng doctor.

"Bakit isa lang hindi ba pwedeng kaming lahat at girlfriend ko yung nakaconfine!,"mariin na sabi ni Xyan.

"Mas mabuti pong huminahon kayo mas maigi pong yung matagal na niyang kilala at maiintindihan niya ang sitwasyon,"paliwanag ng doctor.

Tumingin saamin si Dave kaya lumabas na kami. Bakit kailangan isa lang ang pwedeng kausapin bawal ba madami?Ang dami namang alam nitong doctor na 'to. Pumunta kami sa kwarto kung saan nakaconfine si Liah. Umupo ako sa gilid habang si Xyan naman ay lumapit kay Liah at hinimas himas ang buhok.

"Sa tingin mo ba kaya niyang ipaglaban si Liah,"bulong saakin ni Mike.

"Hindi ko alam Mike baka masaktan lang si Liah kay Xyan lalo na at naguguluhan siya sa nararamdaman niya,"gulong sagot ko at sumandal ako sa balikat niya.


"Sa ngayon kailangan lang natin magtiwala sa kaniya,"paninindigan ko.


"Kamusta si Liah?,"tanong ni tita Sally at dumiretso agad kay Liah pati na rin si tito Fred.


Casanova King Meets Amnesia Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon