Chapter 48

1.4K 36 0
                                    

Flashback

"Sir kanina pa po nasa kwarto si mam Liah kinakabahan po ako dahil baka pagtangkaan niya yung buhay niya!," kabadong saad ng katulong.


"Liah!Si Aj 'to pag usapan naman natin yan buksan mo na yung pintuan," pagpupumilit ni AJ na buksan ang pintuan hawak hawak ang door knob.


Bbbbbbooooggggsssshhh!!!!


Sinipa ni Aj yung pintuan dahilan para masira ito at bumukas. Nang makita niyang may hawak na matulis na knife si Liah ay hindi agad siya lumapit sapagkat natatakot siyang ituloy ni Liah ang binabalak nito. Tinututok ni Liah ang knife sa leeg niya.

"Liah susuko ka na lang?magpapatalo ka sa sakit mo?May anak ka paano siya kapag wala kana?," sunod sunod na mga tanong ni AJ at unti unting lumalapit kay Liah.


"Aj mahal na mahal ko siya at sobrang pagsisi ko ng iwanan ko siya hindi ko kayang wala siya," patuloy ang pagtulo ng mga luha ni Liah habang nagsasalita.


"Kung sana ako na lang siya gagawin ko pero Liah hindi pwedeng ganyan ka sorry sa words na masasabi kasi ikaw ang ng iwan hindi siya," hiling naman ni AJ na naiiyak na din dahil sa sitwasyon ni Liah ngayon.

"Kasi natatakot ako baka hindi ko kayanin yung operation na gagawin saakin huhhhuhuhu!," nanginginig na pag amin ni Liah at hinagis ang kutsilyo sa kama.


"Liah nangyari na lahat hindi mo ma pwedeng ibalik kaya kailangan mo na lang tanggapin na hanggang doon na lang kayo!," pagrealtalk ni AJ.


"Wala akong paki bakit ka ba kasi nandito hindi kita kailangan hindi ko kayo kailangan!," pagtabuyan ni Liah kay AJ at kinuha niya ang vase mini table para ibato kay AJ. Hindi mabilis na nakailag si AJ at sinangga niya ng kamay niya ang vase na pararating. Nilayo niya mukha niya para hindi matamaan ng mga bubog. Nagkaroon siya ng mga cuts galing sa bubog ng vase.


"Nandito ako dahil mahal kita at hindi ko kaya na makita ang mahal ko na mamatay, mas mabuti pa ako na lang ang mamatay!," pag aako niya.

"Hindi ko kailangan ng pagmamahal mo at ng tulong mo!," mahinang sabi ni Liah at umupo siya sa kama. Unti unti ulit na lumapit si AJ at naging kalmado na si Liah kaya niyakap niya ito.

"At sino sa tingin mo yung tutulong sayo si Xyan... na hindi ka na iniisip at hindi ka na mahal, Liah nandito lang ako hindi ako aalis hinding hindi kita iiwan," comfort ni AJ habang niyayakap si Liah.



End of flashback......


Naalala ko na naman yung time na balak ko ng magpakamatay pero pinigilan ako ni AJ. Actually pangalawang time yan na pinigilan niya akong magpakamatay. Noong una kaming magkita tatalon na sana ako sa building pero pinigilan niya ako. Naiiyak na naman ako...


"Ms.Veyhñan are you out of your mind,"


"Sorry excuse me,"lumabas ako sa meeting room.

Nagmemeeting kasi kami ng maalala ko yun. Ito na naman ako napapaiyak na naman hindi ko na alam kung anong nangyayari saakin....mabilis akong pumunta ako sa office ko at doon umiyak ng umiyak.

Narinig kong bumukas ang pintuan kaya mabilis kong pinunasan ng tissue ang mga luha ko.


"So bakit umiiyak si Liah dahil iniwan na naman siya ng mahal niya,kawawa ka naman pala Liah iniiwan ka lang ng minamahal mo," mataray na sabi ni Sweina.


Casanova King Meets Amnesia Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon