Chapter 19

1.8K 42 0
                                    

Si Reed pero bakit niya ako hinila dito?

"Reed ikaw lang pala akala ko naman kung sino,tara na pwede naman tayo mag usap sa labas,"nakaluwag na ko kasi medyo kinakabahan ako sa kilos ni Reed.


Hindi siya sumagot kundi nakatingin lang siya sakin.


May biglang pumasok sa utak ko at bigla ko na lang yun ginawa.
Hinawakan ko yung kamay niya at hinimashimas.

"Reed?,"pagtatakang tanong ko.

"Ahhh w—wala m—may kukunin lang ako dito sa room,"pautal utal na sabi niya.

Naku yun lang pala kinabahan ako dun. Pero ang malaking tanong sa utak ko ay paano ko naisip gawin sa kanya yun?.

Pagkatapos niya kunin yung kinuha niya sa room ay nagpaalam na siya saakin.

Pumunta muna ako sa cafeteria para kumain at magvideo call sa mga kaibigan ko.

Sana naman nakabukas sila. Baka kasi nagsasayaw pa sila.

Video calling.........


Bigla akong sumigla ng makita kong inaccept ni Kyla yung video call ko.

"Hello sis musta na buti na lang tinawagan mo Kami ng wala pa kaming ginagawa,"kamusta saakin ni Kyla.

"Hi Liah!musta na,"bati saakin ni Mike.


"Ito ok lang, kayo musta na?,"tanong ko sa kanila.

"Ito gwapo pa rin,"birong sagot ni Mike sabay hawak sa buhok niya at nagpapogi.

"Tumigil ka nga Jan Mike,"kontra ni Kyla kay Mike.

Totoo naman kasing pogi at magaganda yung kaibigan ko.


"Liah sino pala yung lalaking kaibigan mo?,"curious na tanong ni Kyla.


Naku yung lalaking talaga yun siguro siya nagkwento.


"ahhh si Reed,"sagot ko.


Nagulat ako ng biglang nagtanong si Dave na kararating lang.


"Liah pakisabi nga ang buong pangalan ng bagong kaibigan mo,"tanong niya ng serious pati sila Kyla ay naging serious na ang mukha.


"Reed Molins,"sabi ko.

Nakahinga sila ng maluwag. Kaya ako naman ang kinabahan feeling ko maytinatago sila saakin.

"By the way Liah malapit na pala yung contest na sasalihan mo,"sabi niya.

"Oo nga ehh hindi ba talaga kayo makakapunta?,"tanong ko.

Sana naman makapunta sila.Kung nandoon sila mas gagalingan ko pa lalo.


"Liah kahit gustong gusto namin na makaalis kami hindi talaga pwede kasi yung contract hindi pa tapos,"malungkot na paliwanag ni Kyla.


"Liah si Xyan ba yun yung bumibili?,"tanong ni Dave.

Tumingin ako at si Xyan nga bumibili ng pagkain.

"Oo,"sabi ko habang nakatingin kay Xyan.

"Liah pakitawag si Xyan,please,"utos ni Kyla.



"Ayoko baka busy yan,"pagtanggi ko.


Tinignan ko ulit siya at nakita ko siyang nagcecellphone.Pagtapos niyang magcellphone ay kinuha niya yung tray at naghanap ng table at napatingin bigla saakin umiwas naman ako ng tingin.


Casanova King Meets Amnesia Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon