Chapter 28

1.5K 33 0
                                    

Liah's POV

Nagising ako ng sobrang sakit ng aking ulo dahil sa hangover. Inalala ko yung nangyari ang sakit naman pa lang masaktan lalo na ang kalaban mo ay babae niya sa nakaraan at kung bakit siya naging casanova.



Umupo ako sa kama habang hawak hawak ang aking ulo. Nag isip ako kung papatawarin ko ba siya o hindi na.


Nagulat ako ng biglang may pumasok sa kwarto ko. Ang mga kaibigan ko nandito na sila. Halatang malungkot sila. Niyakap ko si Kyla dahil miss na miss ko na siya at pati sila ay niyakap ako. Umupo kami sa kama ni Kyla at sila Mike at Dave naman ay lumabas. Hindi ko na napigilan at lumuha na nama ako.


"Liah mahal mo ba talaga siya?,"tanong ni Kyla.



Tumango ako habang patuloy tuloy pa rin ang agos ng aking luha.


"Pero naguguluhan ako parang hindi ko sure," sabi ko.

"Liah alam kong mahal na mahal ka ni Xyan give one more chance actually nasa gate siya at sumisigaw na kausapin ka daw niya," sabi niya.

Tumayo siya pumunta sa bintana mula dito hanggang gate ay tanaw ko si Xyan.

"Ipaglalaban ka niya at kailangang may magprotect sayo," sabi niya.

Naguluhan naman ako sa sinabi niya.

"Hindi mo maiintindihan dahil hindi mo pa ngayon malalaman," sabi niya at hinaplos ang aking buhok.


Nakita kong papalapit si Dave at Mike sa gate. Kahit hindi ko naririnig pero kinakausap nila ng maayos si Xyan.

"Kausapin mo na siya," rinig ko na sabi ni Dave.

Pinapasok nila si Xyan. Nag ayos ako para hindi halatang naapektuhan at nagshade pa ako para hindi halatang umiyak ako. Bumaba na ako at nakita ko sila iniwan nila kami for privacy.



"Liah mahal kita huwag kang maniwala sa kaniya,"bungad niya saakin.



"Xyan bibigyan kita ng chance dahil may tiwala ako sayo pero once na binigo mo ulit ako there is no chance,"sabi ko at ng walang emotion.




"Hindi na mangyayari yun Liah,"pangakong sabi niya at yayakapin niya sana ako pero pinigilan ko siya.

Kailangan ko munang tumira sa apartment niya para malaman ko kung bakit may iniinom akong gamot at kung bakit sumasakit ang ulo ko.







***





"Liah samahan mo ako pumunta sa mall tara,"yaya ni Kyla. Hindi na ako nakatanggi dahil hinila na niya ako.


Namili lang siya habang ako walang magustuhan. Hindi ko kasi trip ang mamili ngayon.

"Liah jan ka lang may hahanapin lang ako huwag kang aalis,"bilin niya saakin at iniwan niya ako.


Ito talagang kaibigan ko ang hilig mamili ehh ang dami dami niya na ngang damit sa apartment niya.

Tumingin ako ng mga dress para may mapaglibangan ako.



"Liah musta na!,"masiglang bati saakin ni Reid.

"Okay naman,"sabi ko.

Habang nakafocus pa rin sa dress na tinitignan ko. Ang ganda kasi sa tingin ko bagay saakin 'to kasi color red.


"Alam mo bagay sayo yan,"matawang sabi niya.

Casanova King Meets Amnesia Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon