Chapter 21

1.7K 40 0
                                    

"Hello mom,bakit po kayo na patawag?,"tanong ko kay mommy.


Akala ko ba busy sila bakit nakuha nilang makatawag saakin.


"Liah kailangan kitang makausap I mean kayo ni Xyan,"direktang bungad ni mommy.


Lumabas ako ng kwarto ko at nakita ko si Xyan nanonood ng tv.

"Xyan magbihis ka at pupunta daw tayo kala mommy,"sigaw ko sa baba kung saan siya nanonood.


"Kanina pa ako nakabihis ikaw na lang inaantay,"sabi niya.


Nagulat ako sa sinabi niya kaya mabilis akong pumasok sa kwarto ko at naligo ako ng mabilis pero natagalan ako sa paghahanap ng maayos na damit hindi ko ba alam parang dati wala akong pakialam sa mga sinusuot.


Xyan's POV

Ang tagal naman niya. Ano na kayang nangyari doon?



"Liah bilisan mo,"sigaw ko.


Tumayo na ako at inayos yung suot ko. Ang suot ko lang naman ay long sleeve na color light pink and pants.


Akyatin ko na kaya. Umakyat na ako at habang dinadahan dahan ko ang pagbukas ng pintuan ay unti unti rin kong nakikita si Liah.


Nakasuot siya ng fit na damit at sandals na ang color ay dirty white at pulang mga labi. Sa itsura niya ay napakaseducing ang ganda niya pero hindi pa rin ako nagpahalata.Bahala na baka hindi ako makapagpigil sa kanya.


"Tara na umalis na tayo,"sabi ko at bumaba na.


Nang makarating kami sa mansion nila ay dumiretso kami sa living room.


"Ma'am and sir wait po muna kayo kasi po may tinatapos daw po sila,"sabi ng yaya.


Umupo na kami at nag antay sa kanila.


"Buti naman at nakarating kayo,"sabi ni tita habang may dala dalang envelop.

"My daughter you're so beautiful,you look like mature,"sabi ni tita kay Liah at nagbeso sila.


"Xyan hindi ka pa rin nagbabago your so too handsome,"bati saakin ni tita at nagbeso kami.


Umupo na kami. Ano naman kayang sasabihin ni tita?


"Kaya ko kayo pinapunta dito dahil may vacation akong regalo sa inyo this,"sabi ni tita at binigay yung envelop saamin bali tag isa kami.


Binuksan na namin yung envelop.


"Gusto ko kayong magvacation sa boracay para hindi kayo maboring,"balita saamin ni tita.


"Hindi na kayo makakatanggi dahil ngayon ay aalis na kayo ipapasunod ko nalang yung mga damit niyo okay,"dagdag pa niya.


Tumayo na si tita at niyakap kami.

"Two months kayo doon okay,"sabi ni tita habang niyayakap kami.


"Mom where's dad?,"tanong ni Liah.


"Busy siya katunayan sinaglit ko lang talaga kayo kaya mauna na ako bye mga anak,"paliwanag ni tita at umalis na siya.

"Let's go,"sabi ni Liah.


Ano naman kayang plano ng mga magulang namin.


"Sir and ma'am nandito na po tayo,"sabi ng driver.


Casanova King Meets Amnesia Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon