Chapter 46

1.4K 31 0
                                    

Liah's POV

Ngayon na uumpisahan yung project na gagawin. Baka hanggang midnight kami dito.

"Mam Liah ito na po yung pinapahanap niyo," sabi ng assistant ko.

Busy kaming lahat ngayon kaya walang time na mag uusap.

"Goodmorning sir,"

Tumingin ako sa dumadating.Si Xyan.

"Kailangan natin humanap ng mansion na may story kahit nakakatakot or masaya yung mansion," sabi ni Mike.

I remember noong unang araw na bumalik ako dito sa pinas ay lumibot ako para humanap ng matitirahan namin ni Maddy. Sa dami kong nakitang mansion ay naalala ko pa 'yung nakacaught ng attention ko noong araw na 'yun.

"Meron akong alam na mansion, medyo historical na may pagkamodern 'yung design ng mansion so I think baka may story behind those ," suggest ko.

"Let's go puntahan na natin yan,"yaya ni Mike.

Sumakay kami sa van nakakainis lang dahil katabi ko si Xyan.

Dalawang oras na kaming sa biyahi pero hindi pa rin kami bumababa.

"Sigurado ba kayong alam niyo?,"tanong ni Mike.

"Sa tingin ko po naliligaw tayo,"

"Hindi tayo naliligaw alam ko yung daan,"bulong ni Xyan pero biglang huminto ang sasakyan.

"Sir,Mam nasiraan po tayo," sabi ng driver.

"Ha?!hindi niyo ba alam na malaking abala 'to, your wasting our time," galit na sinabi ni Xyan.

Bumaba kami sa sasakyan. Nagulat ako kung nasaan kami napatingin ako kay Xyan na nakatingin din saakin pero lumihis siya ng tingin. Ito yung lugar kung saan kami naghiwalay ni Xyan.

"Kung yun na lang kaya kunin natin,"turo ni Mike at napatingin naman kaming lahat.

Isa rin 'yan sa mga mansion na nakita ko noong naglilibot ako.

Naglakad kami papunta sa mansion. Nagdoor bell sila at may lumabas na matandang lalaki.

"Ano pong matutulong ko," tanong ni Lolo.

"Gusto lang namin po kayong interviewhin," sabi ni Mike.

"Sir?,"

Tumingin kami kay Xyan dahil sa kanya nakatingin si Lolo. Kanina wala siyang sombrero pero ngayon meron na at nagtatago pa.

"Ako?nagkakamali po ata kayo hindi ko kayo kilala,"striktong saad niya.

"Ay hindi pala kayo akala ko kayo,sige pasok po muna kayo" sabi ni Lolo.

Lahat kami ay pumasok na.Ang masasabi ko lang ay wow sobrang hindi mo akalain na ganoon ang itsura nito kapag nasa labas. Sobrang polido ang pagkakagawa.

"Upo muna kayo kuha ko lang kayo ng maiinom,"

"Huwag na po hindi naman kami magtatagal,"pagtanggi ko.

"May kaunti lang po kaming question,tapos vivideohan po namin kayo," direkta ni Mike.

"Actually hindi naman po saakin 'tong mansion tagapangalaga lang ako pero may story itong mansion na ito, story ng amo ko"sagot ni Lolo.


Exciting gusto ko malaman yung story ng amo niya.

"May girlfriend kasi si sir tapos marami silang napagdaanan kahit sa bingit ng kamatayan nalagpasan nila dahil mahal na mahal nila ang isa't isa pero ng malagpasan na nila yun gusto ni sir na pakasalan yung mahal niya kaya bumili siya ng lupa at dinala niya yung mahal niya sa binili niyang lupa pero hindi pa nakatayo 'tong mansion na 'to,pero ng magpropropose na si sir nakipagbreak yung mahal niya," kwento niya.

Casanova King Meets Amnesia Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon