Chapter 20

1.8K 37 0
                                    

Inuwi ko agad si Liah sa appartment.


Calling Dave......

"Hello Xyan?,nahanap mo na ba si Liah?Xyan sumagot ka!,"galit na sabi ni Dave.


"Nahanap ko na si Liah huwag na kayong mag alala,"sabi ko sa kanila habang nakatingin kay Liah.

"Buti naman kinabahan kami dito akala namin nakidnap na naman siya,"sabi ni Mike.

"Ha?Nakidnap siya dati?,"gulat na tanong ko na may halong pag alala.


"Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman mo ang tungkol saamin at kay Liah,"pambibitin ni Dave saakin.


Ano pa ba ang hindi ko nalalaman sa kanila?o kay Liah?


Lumabas ako sa kwarto niya at patungo sana ako sa kwarto ko kaso may nagdoorbell kaya mabilis akong bumaba.


Tinignan ko muna kung sino.
Isang postman at may nilagay siya sa mail box na sulat.


Kinuha ko yung sulat at
pumasok sa loob.
Sino ba naman ang magsusulat pa ng ganito pwede namang itext na lang.


Umupo muna ako sa sofa at binuksan. Hindi lang pala sulat ang nakalagay kundi may mga picture din.

Tinignan ko ang picture.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

Si Liah pero may kasama siya lalaki pero walang mukha yung lalaki kasi nakacut kaya bandang baba lang ang nakita ko.


Yung expression ng mukha ni Liah ay sobrang saya at sobrang ganda niya dito naibang iba sa ngiti niya ngayon.


Tinignan ko kung may sulat sa likod. Ang nakalagay ay RL at sa baba ay M.
Binasa ko naman ang sulat.


Dear Xyan,

           Alam kong ikaw ang nagbabasa nito at hindi si Liah. Xyan huwag mong aagawin ang aking mahal.
Mahalin mo na lahat ng babae huwag lang siya dahil kami ay para sa isa't isa walang makakahadlang saakin.

Ang akin ay akin huwag mo ng subukan dahil magkakamatayan tayo kapag si Liah na ang pinag uusapan.

                              your enemy,
                                    RL
                                   

"Tulong!,"rinig kong tili sa loob ng kwarto ni Liah.


Nilagay ko muna ang sulat sa drawer ko at pumunta na ako sa kwarto ni Liah.

"Liah,bakit?,"tanong ko sa kanya ng makarating ako sa kwarto niya.


Nakita ko si Liah na takot na takot at kahit malakas ang aircon ay pinagpapawisan pa rin siya. Nakapikit siya at may tumutulong luha sa kanyang mga mata.


Ginising ko si Liah at ng magising siya ay napaupo siya at bigla na siyang humagulgol. Niyakap ko siya pero yung kanyang mga palad ay nasa kanyang mukha.

"Liah tahan na nandito lang ako,"comfort ko sa kanya at unti unti siyang tumigil sa pag iyak at humiga ulit siya. Inayos ko yung kumot niya.


Kumuha ako ng kumot at unan sa kwarto ko dahil dito ako matutulog sa lapag. Humiga na ako at dahil sa pagod ay nakatulog na ako.


Dave's POV

Casanova King Meets Amnesia Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon