Chapter 4

2.3K 59 0
                                    

Pumasok na kami sa apartment.

Sobrang amaze ko dahil ang linis ng apartment niya wala man lang kahit isang kalat lahat nakalagay sa maayos na lugar. Unlike sa apartment ko na once in a blue moon lang malinisan sa sobrang busy.

Umupo kami sa sofa at inantay sila. Nakita namin si Mike na bumababa sa hagdanan.


"Liah akyat ka daw doon," sabi ni Mike saakin kaya umakyat ako at pinuntahan ang kwarto na tinuro niya saakin.

Tok!tok!tok!

"Pasok," sabi ni Kyla.

Unti unti kong binuksan ang pintuan at sinarado ulit yun matapos akong makapasok. Lumapit ako kay Kyla na ngayon ay nakahiga sa kama at nakakumot.

Umupo ako sa gilid niya para kamustahin siya.

"Okay na ba ang pakiramdam mo Kyla?," pag aalalang tanong ko.

"Medyo okay na yung paa ko dahil sa ginawa ni Xyan kanina, " pilit na ngiti ni Kyla.

"Liah pwede bang dito ka muna,hanggang sa makatulog ako?," sabi niya sabay hawak ng kamay ko.

"Oo naman," pag agree ko kahit natatakot ako dahil first time ko lang magsleep over sa ibang apartment.


Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya at lagi niya akong napapapayag kapag humihingi siya ng pabor.


Pinikit niya na ang mga mata niya habang hawak pa rin ang kamay ko. Bakit parang kilala ko na sya? hindi ko lang matandaan kung kailan.

Pinagmasdan ko lang sya. Ang ganda nya at ang bait almost perfect nga sya.

"Liah kain ka muna sa baba nag order kami ng pizza," bungad ni Mike ng pumasok siya sa kwarto.

"Okay," sabi ko at tinanggal ko ang kamay ni Kyla sa pagkakahawak sa kamay ko.

Pagbaba ko ay nakita ko si Dave na  kumakain ng pizza habang nanonood. Umupo ako sa sofa at tumabi kay Dave.

"Thank you pala Liah kasi pinagbigyan mo sya," pasalamat ni Mike saakin tsaka kumuha ng isang slice ng pizza at kinain iyon.

"Welcome, kanina ng titigan ko siya nang malapitan parang kilala ko na siya I don't know where or when basta somethings on my mind telling that I really know her," paliwanag ko sa kanila tsaka kumuha ng isang slice ng pizza at nilantakan ito.

Nagkatinginan sila. Para silang ewan na gulat na gulat.

"N-naku madami kasing kamukha yan si Kyla kaya madaming napagkakamalan," mautal utal na sabi ni Dave tsaka uminom ng tubig.

"Ah baka nga," pagsang ayon ko naman sa kanya.

"Mike alis na kami ni Liah,uuwi na kami," paalam ni Dave kay Mike.

"Sige salamat ulit Liah," sabi naman ni Mike saakin.

Lumabas na kami sa apartment.

Sumakay kami sa kotse at inihatid na ako ni Dave.


"Akala ko ba dito ka muna magtatago," pagtataka ko.

"H-hindi na kasi may pupuntahan pa ako,sasabihin ko na lang kay Xyan na turuan kana ng sayaw " paliwanag naman niya.

Bumaba na ko at pinaharurot nya na yung kotse nya.

Pumasok na ako sa apartment at nakita ko si Xyan na nagcecellphone.

Casanova King Meets Amnesia Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon