Naglalakad ako sa corridor ng biglang sumulpot si Xyan.
"Liah tulungan na kita sa mga dala mo,"sabi niya at kinuha yung mga dala kong libro.
Ano nanaman ang pakana nito?
Nababaliw ata. Dahil sa sobrang bigat talaga ng dala ko ay binigay ko na sa kanya bakit kasi ako pa ang inutusan na ibalik yung mga libro sa library ehh.Minsan di ko siya maintindihan ang bipolar talaga nang lalaking ito.
Pumasok kami sa library. Ibinaba niya yung mga libro malapit sa book shelves.
"Okay na thank you,"pasalamat ko sa kanya at kumuha ng isang libro para ilagay sa kanya kanyang lugar ng libro.
"Tulungan na kita,"sabi niya.
"Huwag na kaya ko na 'to,"pagtanggi ko at kumuha ng isa pang libro.
"Hi Liah!,"tumigil at tumingin muna ako kung saan galing ang boses.
Si Reed.
"Hello,okay na ba yung sugat mo?,"tanong ko. Masyado ata akong comportable sa kanya.
"Okay lang naman yung sugat hindi naman malalim at ginamot mo naman ," nakangiting saad niya saakin.
Kumuha ulit ako ng libro at inalagay sa lalagyan.
"Okay lang ba na tulungan na kita,"tanong niya.
"Oo naman okay lang,"sabi ko at tinulungan niya ako.
"Bakit siya pwede ako hindi,"sabi ni Xyan.
"Tinulungan mo na nga ko diba sabi nga nila give chance to others,"sagot ko naman sa kanya.
"Tsk,"sabi niya at lumabas na sa library.
Bahala siya jan.
"Hahahahaa!,"hindi ko napiglan mapatawa nang makaalis siya.
Kasi yung mukha niya sobrang inis.
Buti na lang at wala ngayon yung nakabantay dito kasi kundi kanina pa ako napagalitan.
"Bakit ang saya mo kapag naiinis mo siya?,"curious na tanong niya.
Pagkatapos niya ilagay yung libro ay lumabas na kami sa library.
"Ang cute niya kasi kapag naiinis kaya iniinis ko siya,"sagot ko naman.
"Close ba kayo?,"tanong ulit niya.
"Close ba kami?,"tanong ko sa sarili ko.
Nag iwan ng malaking blanko sa isipan ko ang tanong na iyon dahil hindi ko masagot.
"Oo kapag nag aasaran kami close na close kami,"sabi ko.
Parang yun nga ang bonding time namin pero medyo lumalayo na ako baka kasi mahulog ako ng hindi ko namamalayan.
"Nga pala,bakit mo ako sinusundan?nung hindi pa tayo magkakilala?,"tanong ko.
"Ahh ehh kasi—,"sabi niya pero hindi niya na naituloy kasi nagsalita na ako.
"Baka isa ka sa mga nakakakilala saakin,idol mo ako noh?,"tanong ko.
"P-parang ganoon na nga,"pag agree niya.
BINABASA MO ANG
Casanova King Meets Amnesia Girl (Completed)
Teen FictionTahimik na buhay biglang gugulo......dahil sa dumating na casanova king Kasama ng gulo ng buhay ko ay kasiyahan na kasama ko siya....hindi ko alam na nahulog na pala ako....... Hindi ko pa pala kilala ng lubos ang sarili ko..... May sikreto pa lang...