"Liah sorry hindi kami makakapunta sa international painting,"sabi ni Kyla saakin habang yakap yakap namin ang isa't isa.Nandito kami sa airport para ihatid sila. Sobrang sobra ko silang mamimiss.
"Okay lang 'yun hindi na lang ako sasali,"sabi ko sa kanila at pilit na ngumiti.
"Anong hindi ka sasali,sasali ka Liah hindi mo ba alam ang hirap ko para makasali ka ulit jan," pagpilit naman saakin ni Dave.
Kumalas na kami ni Kyla mula sa pagkakayakap at yumakap naman ako kay Dave.
"Kailangan pag uwi namin dala mo na yung trophy ha,"dagdag ni Dave habang magkayakap kami.
Next ko namang niyakapay si Mike.
Tinatawag na sila kaya nagkaiyakan na kami.
"Mamimiss kita ng sobra Liah,"sabi ni Kyla habang umiiyak at pati ako habang nakayakap kami ng mahigpit.
"Guys group hug,"saad ni Mike at nag group hug kaming lahat except kay Xyan.
"Hoy Xyan si Liah kapag may nangyaring masama kay Liah ikaw mananagot,at Liah bantayan mo lang din si Xyan"banta ni Dave habang nakaturo kay Xyan.
"Liah bantayan mo si Xyan kasi malapit na yung anniversary nila ni Sweina,video call na lang tayo pagdating namin sa Italy"bulong ni Kyla saakin at tuluyan na silang umalis.
Lumabas na kami sa airport at sumakay na ako sa kotse niya at pinarurot nya.
Nang makarating na kami ay agad akong bumaba at pumasok.
Kahit tinatawag niya ako ay hindi pa rin ako tumitigil maglakad papasok sa apartment.
"Liah,"tawag niya saakin pero hindi pa rin ako limilingon.
"Liah ano bang problema?,"tanong niya saakin nang paakyat na ako sa hagdanan patungo sa kwarto ko.
Pumasok na lang ako hindi ko siya pinansin. Humiga ako sa kama at hindi ko inaasahan na iiyak ako dahil namimiss ko na agad sila. Wala na akong kaibigan na tutulong saakin at masasandalan ko.
Kyla's POV
Umiiyak akong umakyat sa airplane. Bakit ang hirap hirap malayo ulit sa kaibigan ko?
"Kyla tahan na huwag ka ng umiyak,"sabi saakin ni Mike ng makaupo kami.
Pinunasan ko yung mga luha ko at sumandal na lang ako sa mga balikat ni Mike at ipinikit ko ang mga mata ko.
"Alam mo alam kong malungkot din ngayon si Liah,dahil sa pag alis natin,"bulong ni Mike.
"Sana lang protektahan siya ni Xyan,"hiling ko at tuluyan na akong nakatulog.
Liah's POV
"Bakit ganoon ang pangit ng drawing ko ngayon,"sabi ko at pinunit yung dinarawing ko.
Nandito ako sa painting room ko nagprapractice kasi akong maging mabilis ang pagdradrawing at dapat maganda ang kalalabasan pero hindi maganda ang kinalalabasan.
Ang dami ko ng natatapon na paper sa trash can ko.
Tatlong araw na ang nakakalipas hindi pa rin tumatawag sila Kyla.
Kinuha ko yung laptop ko at binuksan ko.
Nagulat ako ng biglang nagvideo call saakin si Kyla.
"Hi!Liah,kamusta kana jan,inaalagaan ka ba ni Xyan?,"tanong niya habang nakahiga sa kama niya.
"Hoy ikaw bakit ngayon ka lang tumawag?,"masungit na saad ko.
"Busy kasi kami kaya ngayon lang kami nakatawag,scusi"pagpapaliwanag niya.(scusi means sorry)
"Como stai?,"tanong niya.(como stai means how are you)
"Bene,"sabi ko.(bene means I'm fine)
Akala niya siguro hindi ako marunong mag Italian eh nag aral ako dyan.
"Asan sila Dave?,"tanong ko.
"Nagprapractice pa ehh sumaglit lang ako para tumawag sayo,"sabi niya.
"Sige na Liah next time na lang ulit tinatawag ba ako ng manager namin babye I Love you,"sabi niya at inend na niya yung video call.
"Anu ba 'yan tatanungin ko sana kung sino si Sweina ehh,"sabi ko sa isip.
Kung pumunta kaya ako dun?pero kasi nag aaral ako ehh kainis naman.
Bumaba ako para magjogging bukas kasi may pasok na naman kainis.
Lumabas na ako habang nakaearphone. Wala pang araw kaya madilim pa.
Nagsimula na akong magjogging pa ikot sa village. Nagstay muna ako sa park dahil sa sobrang pagod ko.
Nag eexercise ako kapag nagigising ako ng maaga pero minsan hindi kaya kawawang body.
Tumayo na ako at naglakad na pauwi nauuhaw na kasi ako nakalimutan kong magdala. Habang naglalakad ako ay parang may sumusunod sa likodan ko kaya tumingin ako.
"Hi Miss,"sabi ng lalaking nakainom.
Tatlo silang lalaking ng tiyan at barako. Kinabahan ako kaya tumakbo na ako pero nahabol nila ako kaya hinawakan nila ako ng madiin kaya hindi ako nakapalag.
"Bitawan niyo ako,help!help!help!,"sigaw ko.
"Miss huwag ka ng pumalag,ikaw din ang masasaktan"saad ng lalaking naghuhubad na ng damit at may hawak na patalim.
Yung dalawang lalaki nakahawak sa magkabila kong braso.
Pumikit na lang ako dahil wala na akong magawa.
Nagulat ako ng biglang bumitaw yung dalawang lalaki sa pagkakahaw niya saakin sa braso.
Idinilat ko yung mata ko. Yung lalaking nakajacket at siya rin yung nagdoor bell na nakikipagsapakan sa mga masasamang loob.
Nagulat ako ng sasaksakin na siya ng lalaking nasa likodan niya pero hindi niya napansin kasi may sinasapak siya sa harapan kaya nasaksak siya.
"Tara na alis na tayo,"sabi ng lalaking nakasaksak at hindi pa nakuntento kinuha yung knife at umalis na sila.
Lumapit ako sa kanya."Okay ka lang ba?,"tanong ko."Ano ba sa tingin mo nasaksak na nga yung tao ehh,"sagoy niya habang hawak hawak ang duguan niyang tiyan.
"I'll bring you to the hospital," yaya ko sa kanya pero tumanggi siya na wag siyang dalhin doon.
"Okay, doon muna tayo sa apartment ko,"dagdag ko at inalalayan siya papuntang apartment.
Pagdating namin sa apartment ay inupo ko siya sa sofa.
"Wait lang kukunin ko lang yung first aid kit,"saad ko at kinuha ko yung first aid kit.
Bumalik na ako sa kanya at ginamot ko yung sugat niya na puro dugo.
"Huwag kang magalaw,daplis lang pala yan hindi naman malalim," describe ko sa sugat niya at nilagyan ko iyon ng betadine gamit ang cotton.
"Ouch ang sakit,"angal niya.
Hindi ko na siya pinansin kundi ginamot ko na lang yung sugat niya. Totoo naman ehh hindi ko na nga siya pinansin nun tapos tinulungan niya pa ako dapat nagpapasalamat ako sa kanya.
Pagkatapos ko gamutin yung sugat niya ay kumuha muna ako ng isang ice cube at inalagay sa towel at pinunasan yung pasa niya malapit sa labi.
Nagulat ako ng biglang may nagsalita.
"Hoy anong ginagawa niyo!,"
Tumingin kami.....
Si Xyan
Itutuloy.....
~*~
Vote and Share.........
BINABASA MO ANG
Casanova King Meets Amnesia Girl (Completed)
Ficção AdolescenteTahimik na buhay biglang gugulo......dahil sa dumating na casanova king Kasama ng gulo ng buhay ko ay kasiyahan na kasama ko siya....hindi ko alam na nahulog na pala ako....... Hindi ko pa pala kilala ng lubos ang sarili ko..... May sikreto pa lang...