Chapter 11

2K 42 0
                                    

Liah's POV

Lumabas saglit ang prof namin.


"Xyan pakopya,"pabulong na sabi ni Mike kay Xyan.

Ito talaga si Mike hindi nag aaral. Buti pa si Xian kahit hindi nag aaral may naisasagot. Bakit ang talino niya kahit hindi siya nag aaral tapos minsan pang absent ang tataas ng nakukuhang score.Baka kinukuha niya yung answer key tapos kinokopya niya? Hindi naman ata ganoon si Xyan.

Test na namin ngayon at pagkatapos nito ay sem-break na namin.

Yehey!

Ano kayang magandang lugar ang pwedeng bakasyunan o pamasyalan?Mamaya na lang siguro kami mag uusap.

Sinilip ko sa likodan ko si Dave. Nagsasagot lang siya.

Katatapos ko lang sagutan yung test paper kaya tinitignan ko na lang sila.

Napatingin ako sa right side ko kung saan si Kyla.

Si kyla naman nagpalipat na ng section kaya magkakaklase kami.

Hindi na ako binubully kasi pinagtatanggol ako ng mga kaibigan ko. Parang naging tahimik na rin yung buhay ko pero kasama ko ang mga tunay na kaibigan ko.

"Okay class last three minutes!,"sabi ng prof namin.

"Ahhhhhh!,"sigaw ng mga kaklase ko.

Dapat kasi nagrereview kayo para hindi kayo natatagalang magsagot.
Mamimiss ko rin sila kahit minsan binubully nila ako.

"Pass the test paper and the answer sheet," masungit na sabi ng prof namin.

Pinasa na namin yung test paper at answer sheet.

"Class dismissed!,"

"Yyyyyeeeeehhhhhhheeeyyy!," sigawan ng mga kaklase namin.


"Tara punta tayo sa shake shop," pagyaya ko sa kanila.

"Geh libre mo?," tanong ni Kyla habang nagbeautiful eyes saakin.


Tumango na lang ako sa kanya dahil sobrang nagagandahan na naman ako sa kanya and ang cute niya kaya hindi ko mapigilang umagree.

"Uy guys first time manglilibre si Liah,"sabi ni Kyla kala Mike,Dave at Xyan.


"Dapat madami iorder natin kasi baka hindi na maulit 'to alam mo na para sulit," suhol namal ni Mike.


Manglilibre ako kasi masaya ako ngayon kasi simula bukas makakatulog na ako ng maayos kasi bago ang test namin ay review lang ako ng review dumating pa nga sa point na hindi na ako kumakain at napansin din yun ni Xyan kasi nasa iisang apartment lang kami.

Nang makarating kami sa shake shop ang daming tao kaya kailangan namin makishare ng table.


Gustong gusto ko talaga yung shake. Kapag nakakakita ako parang inaakit ako bumili.

"Sabihin nyo na yung mga flavor ng shake niyo,"sabi ko habang nakatingin sa menu.

"Choco kisses kaming lahat,"sagot ni Kyla.

"Same pala tayo ng favorite,sige maghanap na kayo ng pwede natin upuan,"nakangiting sabi ko sa kanila at pumunta na ako sa counter.

Ang galing magkakaibigan nga kami kasi pare parehas yung favorite namin.

Casanova King Meets Amnesia Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon