Chapter 42

1.4K 32 0
                                    

"Sis this is it na ikakasal na ako ang sarap ng feeling," abot langit ang ngiti ko. Nakatingin kami sa salamin ni Liah habang pinagmaasdan ang mga suot namin.

"Huwag mo akong masisis dyan hindi mo naman sinabi saakin na yung pinili ko pala yung ipapasuot mo saakin!,"sabi ni Liah at nakasimangot.

Dumating na ang make up artist namin at sinimulan na kaming make-up-an. I'm super excited for my wedding later lalo pa kasama ko si Liah na nakawedding gown.

Biglang naalala ko na aalis pala siya at hindi pa niya sinasabi iyon kay Xyan.

"Liah kailan mo balak sabihin kay Xyan?," tanong ko.


"Hindi ko alam basta kailangan kong sabihin na tapos na kami bago ako umalis," lungkot na sagot niya.


"Liah sobra kitang mamimiss basta dalaw dalaw ka dito kundi kami dadalaw sayo,"madramang sabi ko sa kanya.

Ngumisi lang siya. Mamimiss ko siya sobra kung pwede nga lang kaming sumama kaso lang marami pang aasikasuhin.


"Ready na mam baba na po tayo," sabi ng make up artist namin.

Bumaba na kami ni Liah at sumakay sa kotse papuntang simbahan.

"Liah kinakabahan na ako paano kung iwan ako ni Mike," takot ko kasabay ng bilis ng tibok ng puso ko sa kaba. Halo halong pakiramdam ang nararamdaman ko ngayon.


"Para kang tanga Kyla sa tingin mo ganon si Mike iiwan ka lang bigla," mataray na sabi ni Liah.

"Kinakabahan kasi ako," pag aamin ko sa kanya.

"Normal lang yan,"dagdag niya.


Sobrang kinakabahan ako akala ko masaya akong pupunta sa simbahan hindi pala.


"Kyla ang isipin mo ikakasal kana hindi yung mga negative na mangyayari," pagmotivate niya saakin.


Nang makarating kami sa simbahan nakaready na ang lahat at kami na lang ang inaantay. Sinilip ko ang mga papasok sa simbahan at kita ko ang mga ngiti nila.

Nagsimula ng magsipasok ang mga guests. Matapos ay naglakad na rin ang flower girl and ring bearing sa aisle.

"Ito na yung pinakaaantay mo Kyla,"mahinang saad niya saakin habang nakangiti.



Unti unti ng nagbukas yung pintuan at nagsimula na kaming maglakad papunta sa altar.


Liah's POV


Bakit parang feeling ko ako yung ikakasal.Nakita ko si Xyan ang gwapo niya sa suot niya.Napaiyak na lang ako ng hindi ko namamalayan.

"Uy best hindi ikaw ang ikakasal huwag ka umiyak,"bulong sakin ni Kyla.

Nang makarating kami kala Mike ay niyakap ko na siya at nagcongrats kay Mike.

Naiwan kami ni Xyan habang sila naglakad na papunta sa altar.

"Upo na tayo,"yaya saakin ni Xyan at umupo na kami.

Nagsimula na ang ceremony. Tuloy tuloy ng lumuha ang mga mata ko. Nagulat ako ng may nag abot ng panyo. Kinuha ko yun dahil wala akong panyo na pamunas kainis.

Hanggang sa ibabato na ni Kyla yung flower niya. Ang daming nagkagulo kaya muntikan na akong matumba pero nahawakan ako ni Xyan. Nagulat ako ng biglang napunta sa akin yung flower.

"Liah ikaw na next,"pangangasar nila saakin.

Ha?hindi ko magets yung mga sinasabi nila.Pagkatapos ng kasalan syempre punta na sa reception.


Casanova King Meets Amnesia Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon