Chapter 23

1.7K 47 1
                                    

Liah's POV

Nagising ako ng wala si Xyan sa tabi ko. Nasaan kaya siya?

"Xyan!,"tawag ko at nagmadaling tumayo.

Saan naman kaya siya pumunta ehh gabi na.

Nagulat ako ng biglang may nagtakip ng aking mga mata. Pagkahawak ko sa kanyang kamay alam ko na agad na si Xyan yun.

"Xyan ano ba 'to natatakot ako,"takang tanonh ko sa kanya.

Ayoko pa naman ng dilim kahit kailan.

"Trust me,"malamig na bulong niya saakin at binlind fold niya ako.

Kinarga niya ako at naglakad siya. Ano nanaman kayang pakana ng lalaking ito.

Maya maya pa ay tumigil siya sa paglalakad at ibinababa ako.

"Pagsinabi kong tanggalin mo tanggalin mo,"bilin niya saakin.

Inantay kong sabihin niya yun pero wala na akong narinig kaya tinanggal ko na ang blind fold.

Puro flower yung nakapalibot sa may upuan at table.

Ang tanging ilaw lang dito ay mga kahoy na nasusunog na nagpainit naman ng pakiramdam ko.

Lumapit ako kay Xyan at ibinigay niya saakin ang isang flower at pinaupo niya ako sa upuan. Nagsimula na kaming kumain ang sarap talaga ng luto niya akala ko dahil casanova siya hindi siya marunong magluto.

"Masarap ba yung pagkain?,"tanong niya.

"Oo masarap, paano ka pala natutong magluto?,"tanong ko.

Kasi sobrang sarap talaga parang matatapatan niya na ako bilang chef.

"Natutuhan ko lang 'to sayo?,"sabi niya.

Ha?paano niya matutunan eh hindi ko naman 'to niluto.

"Natutunan ko lang na kailangan may puso kapag nagluluto,"dagdag niya.

Naku alam niya pala yung secret ko.Nang matapos kami kumain ay tumayo siya.

"May I have a dance with you?,"sabi niya at inilahad niya ang kanyang kamay.

Kinikilig ako kinikilig ako pigilan niyo ako baka maging kamatis na ang mukha ko dito.Tumayo ako at hinawakan ang kamay niyang nakalahad at nagsayaw kami.

"Ako na ang pinakamaswerteng lalaki sa buong mundo,"sabi niya at kiniss ako.

"Ako naman ang pinakamasayang babae sa buong mundo,"sweet na tugon ko at hinalikan siya.

Habang sumasayaw kami ay naghahalikan kami.

"Let's go to the bed,"bulong niya saakin.

Ngayon ko na ba isusuko yung virginity ko gusto ko pagkatapos na lang nang kasal. Lumayo ako habang nakayuko.

"Bakit Liah?,"tanong niya.

"G-gusto ko kasi pagkatapos ako pakasalan ng mahal ko ay doon ko pa lang ibibigay ang virginity ko,"utal na pagtanggi ko.

"Pero kung gusto mo ngayon na okay lang saakin,"bawi ko habang nakayuko pa din.

"Hindi kita pipilitin Liah dahil mahal na mahal kita aantayin ko na lang pagkatapos ng kasal natin,"sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

I'm sure na hindi siya makakapag aantay dahil casanova siya. Tumatag ang loob ko ng maaalala ko yung sinabi niyang 'TIWALA'.

"Let's go matulog na tayo,"sabi niya at pumasok na kami.

Humiga na kami at yung mga braso.niya ang naging unan ko.

"Ilan gusto mong anak?,"tanong niya saakin.

Kinalabutan naman ako sa sinabi niya kasi natatakot talaga akong manganak napapanood ko hirap na hirap sila kaya sa tingin ko isa lang.

"Isa,"sabi ko.

Nadismaya ata siya sa sinabi ko na isa lang bakit mas maganda nga yun para natututukan namin.

"Ikaw?,"tanong ko.

"Isa,"sabi niya.

Pati siya isa lang kaya isa lang talaga hihilingin ko kay god.

"Isang dosena,"sabi niya.

Nagulat naman ako akala ko isa lang yun pala may kasunod pang sasabihin.

"Ginawa mo naman akong inahing baboy,"sabi ko at nagpout.

"Ito naman hindi mabiro kung ilan ibigay aalagaan natin,"tawang sabi niya.

Natouch naman ako sa sinabi niya. Sana lang maging mabait kaming mga magulang sa magiging anak namin.

"Liah anak nasaan na kayo!,"rinig namin kaya mabilis kaming tumayo.

Lumabas kami at tinignan kung saan galing yung boses.

"Liah!Xyan! Nasaan na kayo?,"rinig nanaman namin sinundan namin yung tinig at nakita namin yung mga magulang namin.

"Mom!Dad!,"sabi ko at tumakbo ako at niyakap ko sila ng mahigpit.

"Buti naman at walang nangyaring masama sa inyo?,"sabi ni daddy.

Wala nga po dad pero nagkamabutihan naman kami.

"Alam mo anak sobra kaming nag alala sa inyo akala namin hindi ka namin makikita ng daddy mo,"kwento ni mom habang umiiyak.

"Mom okay lang kami huwg ka ng umiyak,"sabi ko at pinunasan yung mga luha niya.

"Hindi ko naman po siya pinabayaan tita,"sabi pa ni Xyan habang nakasmile.

Hindi niya ako pinabayaan pero pinaiyak lang choss minahal niya pala ako hihihi kilig much.

Bahala na kapag nalaman nilang nililigawan niya ako siguro naman hindi sila magagalit kasi gusto nga nilang maging mag asawa kami ehh.

Nagkatinginan kami ni Xyan at naglapit kami at humarap sa parents namin.

"Mom!Dad! Nililigawan niya na po ako,"sigaw ko kay mommy at daddy.

Naging masaya ang expression ng mom and dad ko at pati ni tita at tito.

"Jusko kapag umuwi tayo magpapahanda ako,"maligayang saad ni mommy.


Naglakad na kami habang magkahawak ang kamay sana wala ng problemang dumating ay kung meron man sana malagpasan namin yun nang magkasama.

Itutuloy.....

KINDLY VOTE COMMENT SHARE

Other story...

●I'M PLAYGIRL AND HE'S A PLAYBOY ●

Casanova King Meets Amnesia Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon