Chapter 12

1.9K 43 1
                                    

Kyla's POV

Iniwan na namin si Liah at Xyan sa shake shop.

Bakit ba nagmamadali si Dave na pumunta kami sa apartment niya?

Sumakay na kami sa kotse ni Mike.

"Buti na lang iniwan natin sila,ang ganda talaga ng naisip mo Mikay,Ouch!" Kinikilig na sabi ni Mike.


Binatukan ko siya ng malakas. Kahit kailan ka talaga isip bata ka. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit minahal kitang mokong ka. Pero kahit ako aakalain na ganoon ang set up para makapagbonding sila.


Pero hindi,kinakabahan tuloy ako kay Dave kung anong sasabihin niya.


"Pinapapunta tayo ni Dave sa apartment niya at parang kinakabahan ako na hindi ko alam kung bakit?," saad ko kay Mike habang nakahawak sa dibdib ko.

"Sus ganyan naman kayong mga babae ang lakas ng pero hindi naman laging tama,"bulong niya habang nagdridrive.


"Ano yun!?,"tanong ko habang dinidilatan ko siya ng mata.


"Ha?may sinabi ba ako?wala naman eh,"sabi niya ng pangiti ngiti.

Ganto kami minsan,nag kukulitan at minsan naman ay nag aaway kailangan kasing ibalance lahat para road to forever na.

Bumaba na kami ng nasatapat na kami ng apartment ni Dave.

Dave's POV


Naiinis ako kapag naaalala ko yung mga sinabi saakin ng mommy ko.

Habang hinahabol ko yung lalaki biglang may tumawag saakin kaya sinagot ko agad yun.

"Hello sino 'to?," tanong ko sa tummawag sakin.

"This is your mom,"

I'm sure may problema na naman 'to lagi naman silang tumatawag ni papa kapag may problema sa company or kung anong marriage contract na nalalaman.

"Kailangan niyo ng munang bumalik sa Italy,"nasipa ko yung maliit na bato dahil sa mga narinig ko.

"Hindi na kami babalik sa Italy,"mariin kong sabi.


"Kapag hindi kayo bumalik makukulong kayo,"ano nanaman 'tong pakana niya.


"At bakit kami pupunta sa Italy?sabihin mo nga?," inis na tanong ko.


Kaunti na lang mababato ko na talaga 'tong cellphone ko.


"Dahil may six month contract kayo sa Italy na pinirmahan niyo last year pero sabi niyo hindi muna kayo pupunta kaya ngayon na kayo pinapalipad papuntang Italy,"unti unti kong inalala dati.


F*ck sh*t bakit pa kasi namin pinirmahan 'yung contract na 'yun.


*Ding*Dong*


Mabilis kong binuksan yung pintuan at pinapasok sila.Siguro nagtataka rin sila kung bakit ko sila pinapunta dito sa apartment ko. Pinaupo ko na sila sa sofa.


Palakad lakad ako kasi hindi ako mapakali at king paano sasabihin sa kanila. Alam kong magagalit sila sa akin sana naman maintindihan nila ako.


"Dave umupo ka nga nahihilo na kami ehh. Ano ba yung sasabihin mo at hindi ka mapakali?,"tanong ni Kyla na takang taka.

Umupo na ako at pati rin sila.

Casanova King Meets Amnesia Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon