jairus' pov
*tiktilaok tiktilaok*
kainis naman tong alarm ko. ba't ba ang aga neto naka set? tinatamad akong pumasok. aabsent nalang ako.
*tiktilaok tiktilaok*
oh eto nanaman yung makulit kong alarm! at may reminder pa ha!
.
.
.
.
.
O_o
sabay nga pala kami ni sharlene ngayon sa recess at lunch!
7:10 na! 8am ang klase!
kainis talaga si alexa. hindi manlang nag effort manggising. hindi kasi yun sumasabay sakin dahil mabagal daw akong maligo. hindi naman talaga ako mabagal maligo, sadyang inaantok pa talaga ako kahit nasa banyo na.
badtrip! tyempong out of town si mama ngayon for clients. si papa naman nasa japan for his japanese business partners. hindi ko naman pinahihintulutang pumasok ang mga katulong dito sa kwarto ko dahil naka boxers lang ako kung matulog. baka mamaya pagnasaan pa ako. hehe, joke!
kaya ayan tuloy! walang gumising sakin. wala kasing effect sakin ang alarm clock.
ayyyyshhhhhh!!!!!! kainis ka talaga alexa. parang hindi kita kakambal!
saktong nagbell nung dumating ako ng school. binilisan ko nalang yung pagkilos ko kanina. tinatamad nga akong maligo kaya lang makakasama ko si shar ngayong maghapon kaya dapat fresh!
recess time na.
inutusan ko si alexa na gumawa ng paraan para magpalusot sa barkada kung bakit wala kami ni sharlene. pag nalaman kasi nila, magkakaasaran yan tapos baka mailang si shar. at baka masira pa diskarte ko.
nandito kami ngayon sa bench ng school. syempre ako na ang bumili ng food and drinks namin. pogi points to.
"hindi mo naman kailangang manglibre. may baon naman ako tsaka paalam mo lang sakin sabay tayo." shar said pagkaabot ko ng recess namin.
"sige lang shar. i insist." sabi ko naman.
"pero nakakahiya kasi." sabi nya then tumungo.
kita ko naman na talagang nahihiya sya. hindi siguro sya sanay. NBSB daw kasi to sabi ni alexa. kitams! may source ako eh. yun nga rin ang dahilan kung bakit sya may "po" sakin sa text. first time daw kasi ni sharlene na may katext na lakaki. galing galing talagang source ni twin sister eh.
kaya eto nalang sinabi ko sa kanya...
"ok sige. para hindi ka mahiya, ako nalang ilibre mo bukas. para makabawi ka"
pagkasabi ko nun inangat nya agad ang ulo nya. then she smiled.
nahihiya nga lang talaga.
ok naman ang naging takbo ng usapan namin nung recess kahit 30mins lang yun. nakapag bonding narin kami.
ganun din naman kami nung lunch. masaya. akala mo mga tambay lang kami na walang pinoproblema. grabe ang saya nyang kasama. hindi ako nagkamali ng piniling babae para bigyan ng effort. sulit lahat! lalo na siguro kung araw araw kaming ganto.
alexa's pov
buti nakapasok si kuya. sinadya ko kasi syang hindi gisingin kanina. haha. nakabawi narin ako sa mga pang aasar nya. buti nga hindi nagalit eh. kung hindi, nilamutak na nun yung muka ko gamit yung paglaki laki nyang kamay! siguro dahil kay sharlene kaya sya good mood.
nainis nga lang ako kasi dinagdagan pa nya pagkakasala ko. lagi ko na kasing tinatanong si shar about love tapos sasabihin ko kay kuya. then ngayon pinagsinungaling naman ako na wag daw sabihing magkasama sila ni shar. kaya ayun, sabi ko nalang na si kuya nasa library at balak yatang magpaka valedictorian. tapos sabi ko si sharlene hindi ko alam kung nasaan. parang baligtad nga yata yung palusot ko. si shar kasi talaga yung mahilig mag library at si kuya yung laging nawawala at hindi ko alam kung saang lupalop napapadpad. buti nalang naniwala sila. --- ewan ko lang!
si nash.. nadagdagan yung pagiging sweet at protective nya. nalaglag lang yung ballpen ko, nagmamadali syang iabot. nasamid lang ako, makareact wagas. ang OA na nga nya eh. pero hindi ko alam kung bakit kinikilig padin ako kahit bulok pa sa bulok yung style nya.
alam ko na.. si kuya naman ang gagawin kong source tungkol kay nash. mag bestfriend kasi sila kaya bawat hiningat utot nila alam nila ang ibig sabihin. hahahaha, may ganun!
basta sasabihin ko talaga kay kuya. feeling ko kasi i'm beginning to like nash.
to be continued.........
BINABASA MO ANG
The Barkada (LuvU FanFiction)
FanfictionJoin their barkada's adventure. © 2013 | iJOANNAmissathing