49- is it really over

843 21 1
                                    

Nash's POV

nalaman namin yung tungkol kina Bro at Jai. ano namang kadramahan nanaman nun ni Bro?! kesyo hindi ready?! pasalamat siya na deads na deads sa kanya si Jai.

pero napaisip ako... si Alexa kaya? Naku, baka pati siya hindi pa ready? mag bestfriends din sila ni Shar eh!

agad kong ipinaalam si Alexa kay Jai, sa Mommy at sa Daddy niya.

inaya ko siyang lumabas. kailangan ko nang malaman kung may pag asa ba ako sa kanya.

"Nash, saan tayo pupunta?" tanong ni Alexa.

"sa café lang. may tatanungin lang ako." sagot ko.

"alam mo Nash, hindi na natin kailangan pang gumastos at pumunta sa café para lang sa itatanong mo." ayan, umiral na naman ang pagka kuripot niya.

"ako naman magbabayad eh!" pangungulit ko.

"alam ko. pero kailangan parin naman nating magtipid. no one knows kung may pera pa tayo bukas. tingnan mo kami nila Daddy." paliwanag niya.

"opo. ikaw na laging panalo!" nakangiti kong sabi. pinagbigyan ko na. kukit eh. hehe.

hinila niya ko sa park.

"dito talaga?" natatawang tanong ko.

"oo. maganda naman di ba? buti nga tahimik ngayon dito eh." sagot niya.

para kaming mga bata. umupo kami sa grass.

"eh ano ba yung itatanong mo?" excited niyang tanong.

"ah.. uhmm... Alexa,..

pwede na bang....

maging tayo?" patigil tigil kong sabi.

tumawa naman siya.

"anong nakakatawa?" sabi ko.

"nanliligaw ka ba?" tumatawa parin na sabi niya.

ano? hindi niya ba alam? eh dun pa nga kami sa bahay nila nung magsimula akong manligaw eh! so all this time, hindi niya alam?

"hindi, joke lang!" dagdag pa niya. na hawak na yung tiyan niyang kakatawa.

tumigil siya sa pagtawa at ngumiti. tapos....

niyakap niya ko. yung yakap ng parang tuwang tuwa na tao.

"oo naman!" bulong niya.

pag alis niya ng yakap...

napasigaw ako. "yes!" grabe, hindi ako makapaniwala! is it real, is it real?

---

nag usap pa kami na nag usap ni Alexa bilang mag boyfriend-girlfriend. ang saya saya ko lang talaga sa mga pangyayari!

"Nash..." pagkalabit sa akin ni Alexa at may tinitingnan.

tumingin din ako dun. at...

si Andre. may nakahalik sa cheeks at nagse selfie sila. may girlfriend pala tong mokong na to? hindi manlang sinabi sa amin!

ngumiti si Alexa at...

kinunan ng litrato ang dalawa.

"Chismosa Alert!" tumatawa niyang sabi. alam ko na yung gagawin niya. ichichismis niya sa barkada tong nakita namin. hahaha!

to be continued...

A/N: naisip ko to bigla. di pa pala last yung kanina. haha. ito pala! ^__^V okay, wait for the Epilogue! paano na ang MikAndre, FrancElla at JaiLene? hanggang dun nga lang ba? ;)

VOTE, COMMENT & FOLLOW!

The Barkada (LuvU FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon