15- jelly jairus

1.1K 20 0
                                    

Sharlene's POV

a week passed. medyo nagtampo na si jai sakin. buti nalang yung barkada, hindi.

pag recess kasi I'm with marci. lunch naman ang sa barkada. well, mas matagal parin naman yung time ko sa barkada. pero hindi lang kasi sila sanay na minsan wala ako. lalo na si jai.

hindi ko alam kung ano nang feelings ko kay jai. isa lang ang alam ko, that he's important to me.

hindi ko naman pwedeng basta nalang layuan marci just because nagtatampo na si jai. kaibigan ko rin naman kasi si marci. and i like his company. masaya syang kasama. and minsan nga napapaisip ako na baka he's my destiny because he's the guy i wanted before.

yung ideal guy ko kasi diba yung hindi kagwapuhan, medyo gamol, medyo badboy, medyo mahina yung utak.

yung ideal guy na sa twing ikekwento ko kay mommy eh natatawa sya. ang nega ko daw kasi na babae. at lahat daw yun kabaligtaran ni daddy. hehe.

eh ang gusto ko lang naman yung lalaking walang aagaw sakin.

ang ilan dun nakay marci.

hindi kagwapuhan. este hindi gwapo - check.

medyo gamol- check.

meaning:

hindi pagkakaguluhan ng mga girls/ walang aagaw sakin- check na check.

tapos I enjoy talking with him pa kaya pwede na.

hindi nsman sa ginagamit ko lang sya pero kasi madali namang matutunang mahalin yung tao. si jairus nga natutunanan kong maha----

ano?! tama ba yung iniisip ko? si jai? i love jai?

eh hindi naman kasi sya nagtatapat sakin kahit obvious na sya. tsaka kahit magtapat sya, hindi ko alam magiging reaction ko. natatakot ako.

kasi si jai:

pogi- check

maayos sa sarili- check

mabait- check.

mayaman- check.

matalino- check. tamad lang minsan.

hearthrob- check.

meaning:

pagkakaguluhan ng girls/ maraming aagaw- check na check.

speaking of jai...

nagtext sya.

shar, kita tayo tomorrow, after lunch. sa coffee shop where you introduced sophia and andrei. same table. see you. no more further questions.

ang sungit naman ng pagkakatext. di ko nalang nireplyan. pero curious ako kung bakit kaya same table. para siguro madali ko syang makita.

kinabukasan...

pagdating ko ng coffee shop, andun na sya. nasa same table nga. at naka order na sya ng cake. the same chocolate cake na inorder ko noon para sa barkada. at the same coffee saming dalwa. ang weird nya! pag upo ko tinanong ko agad.

The Barkada (LuvU FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon