mika's pov
today is tuesday. uwian na and the barkada planned to have an early dinner. at napagpasyahan naming kila alexa nalang. masarap daw kasi magluto yung cook nila.
and dun narin namin pag uusapan yung mga na observe namin yesterday.
alexa and jairus' house... 4pm.
"uhmm... guys! dito muna tayo sa garden. dito natin pag usapan yung protection program natin na yan." sigaw ni alexa samin habang nasa garden na nila.
ang ganda ng garden nila. ang linis linis at ang sarap sarap ng simoy ng hangin.
pagdating namin dun, naglatag si jai at nash ng malaking tela sa grass. tapos pinaupo naman kaming mga girls. tapos si kobi at andrei naman, may pinag uusapan na ewan ko ba kung bakit parang napaka seryoso nila. tapos ang layo layo pa nila samin. si jai at nash naman napansin din sila. nagtinginan lang, ngumiti tapos umiling na parang alam nila yung usapan nung dalawa. hays, mga lalaki talaga! hindi ko na nga lang pinansin.
"oh guys ano ba talagang balak nyo? naiintindihan ko naman kasing over protective lang kayo sakin. pero para kasing masyado kayong over reacting" panimula ni shar.
bigla akong tumingin kay jai. napakunot yung noo nya sa sinabi ni shar. halatang halata namang type ni jai si shar. ewan ko lang kung talagang manhid tong si shar o hinihintay lang nyang mag confess si jai. may usapan kasi kaming sasabihin sa isat isa kung may suitor, pati si alexa. pero wala pa naman syang nababanggit.
"hindi ka ba natatakot na baka nga may bad intention sayo si marci? edi sana nakipag close nalang sya sayo kung type ka nya. kasi i really find him weird sa lahat ng oras na magkakasama kami nila andrei" mahabang sabi ni sophia. comfortable narin kasi sila ni andrei samin kahit wala pang 1 week na nakakasama namin sila. ganun din naman kami sa kanila. hindi kasi sila mahirap pakisamahan. at kami din.
"hindi. malay mo naman crush lang talaga ako nung tao tapos nahihiyang lumapit. malay mo talagang nabighani lang talaga sa kagandahan ko" tumatawang sagot ni shar.
napatingin uli ako kay jai. natawa rin sya. hindi ko talaga maiwasang hindi tingnan ang reaction nya. kasi sa tinagal naming mag best friend ni alexa, lagi ko naring nakakasama si jai at ngayon ko lang napansin na natotorpe sya sa babae. wala pa naman syang naliligawan pero nafeefeel ko talagang gustong gusto nya si shar pero hindi nya madiretso. para bang naduduwag.
may bigla akong naalala... kaya sumingit ako sa usapan. baka kasi nakalimutan ding i mention ni alexa.
"hindi nyo ba tatanungin yung address ni marci?" singit ko.
"edi tatanungin na. nabanggit mo na eh." nasa likod ko na pala si andrei. tong bwisit nato tumabi nanaman sakin. tapos sa tenga ko pa nagsalita. hindi naman po ako bingi.
lagi talaga akong iniinis neto eh. kahapon susundan na namin ni alexa si marci pero nanguha pa ng konting time para mang asar ng walang kabuluhan. ganun din nung saturday sa coffee shop. kainis talaga!
"oh ano na?!" sabi nanaman nya. at sa tapat ulit ng tenga ko. kainis. kainis na talaga!
kaya kinuha ko agad sa bag ko yung mga papel tapos sinalaksak ko sa muka nya yung isa.
"oh ayan na po boy bwisit! may address yan at sketch. pinaxerox ko para tig iisang copy tayo" sabi ko sa tapat din ng tenga nya. tapos the rest ng papers ay inabot ko ng maayos sa barkada.
"ayiieee..... may call sign din si mika kay andrei. ikaw andrei, ano namang tawag mo kay mika? akala ko jailene lang may tawagan, pati pala mikandrei" isa patong kobi nato. naturingang pinsan ko. at ginawan pa kami ng love team. kainis talaga.
"edi girl bwisit. para bagay." sagot naman ng kainis na andrei nato.
"ayyiiiieee" -barkada.
"uy mikandrei! ..thank you pre ginawan mo rin kami ni shar ng love team. jailene" nang asar pa si jai ng mikandrei. tapos pagkasabi naman nya ng jailene, kumindat sya kay shar. si shar naman umirap.
btw, i like the sound of mikandrei. pero kung si andrei lang din naman ang partner ko, wag nalang. naiinis ako lalo.
naglokohan lang kami ng naglokohan sa garden. until mag 6pm na. at sa napag usapan, nag early dinner na kami. dun namin pinag usapan yung tungkol kay marci. at 7:30 pm, nakauwi na ako.
nagbihis na ako at dumiretso sa kama. kailangan kong magpahinga agad dahil napagod talaga ako. pero may nagtext.
si andrei?! ano nanaman kayang kailangan ng epal nato?! hiningi ko kay sophia yung number nya para in case of emergency sa barkada. pero sinabi kong wag ibigay sa mokong nayun yung number ko.
baka mang aasar lang to. kaya binura ko nalang. wala akong ganang basahin dahil baka ma stress pako bago matulog. pagka delete ko ng sms, natulog nako.
TO BE CONTINUED.........
BINABASA MO ANG
The Barkada (LuvU FanFiction)
Fiksi PenggemarJoin their barkada's adventure. © 2013 | iJOANNAmissathing