48- not now

808 19 0
                                    

Shar's POV

kinabukasan ng pagbabati namin ni Jai, nakapag enroll na rin siya. at ang nakakatuwa... section 1 din siya! yes!!! magkaka klase kaming lahat! mabuti naman at hindi nasayang ang lahat ng pagod at efforts namin :)

yung mas ikinasaya ko pa... akala ko dati, lahat ng gwapo, manloloko. pero hindi pala!

si Jai.. na gwapo, malakas ang dating, matalino, magaling mag basketball, mabait at mapagmahal... ay nag eexist pa pala sa mundo! eto siya, minamahal ako ng walang kapalit!

kaya nga nagi guilty ako sa twing naiisip kong hindi pa talaga ako handang sagutin siya kahit pa na 4th year high school na kami at pinapayagan na akong magka boyfriend. kasi para sa akin, masyado pa rin yung bata.

hindi ko nga alam kung kailan nauso yung pakikipagrelasyon sa murang edad eh. para sa akin, dapat ineenjoy ko lang muna yung pagkabata ko. dapat sa edad naming to, malling at kung anu anong paggagala lang muna yung nakakapag pasaya sa amin.

naguguluhan nga ako kung bakit iba talaga ang nararamdaman ko kay Jai. mahal ko na siya! pero yun nga... hindi pa ako ready!

ang gulo gulo talaga ng utak ko!!!! -.-

"huy! Bebe!" sigaw ni Alexa habang kinakaway kaway yung kamay niya sa harap ng mukha ko.

bigla tuloy akong natauhan.

"tulaleys Bebe?!" natatawang sabi ni Alexa.

umiling lang ako at ngumiti kay Alexa.

tapos napatingin ako kay Jai. nagtatawanan sila nila Francis. nandito kami ngayon sa isang fast food chain nagla lunch. then mamaya bibili na kami ng school supplies. last year na namin to bilang high school students. siyempre pagandahan na to ng gamit. hehe ^_^V

"balak mo bang tunawin si Jai?" bulong ni Bes Mika na humahagikgik.

nginitian ko lang siya.

naiisip ko parin habang nakatingin kay Jai... naaawa ako sa kanya. paaasahin ko ba siya sa wala? eh hindi pa kasi talaga ako handa sa commitment eh.

"ganyan na talaga niya kamahal si Jai!" tumatawa ring sabi ni Sophia.

ako nanaman ang topic ng mga to! mabuti't nagkakatuwaan ang mga lalaki kaya hindi nila kami naririnig.

---

sa wakas ay tapos na rin kaming makabili ng school supplies. sabay sabay na sana kami sa van nila Mika. pero...

"uhmm... guys, pwede ba kami maiwan ni Jai?" nakita ko namang nagulat si Jai. pero natawa.

"hay nako kuya, kanina ka pa tinutunaw niyan!" pagbubuking ni Alexa.

hinampas ko namang bahagya yung braso niya.

"sasagutin mo na ba siya bro?" nakangiting tanong ni Nash..

pabiro ko siyang inirapan.

"okay, bye!" sabi ko sa kanila tapos hinila ko na si Jai papasok uli sa mall.

natatatawa naman siya. dinala ko nalang siya sa isang café.

"di ka na ba nakapaghintay na sagutin ako?" tanong niya sabay kindat.

"ah.. h-h-hindi J-Jai." nauutal kong sabi. hala! paano ko sasabihin?!

kumunot yung noo niya.

"Jai, p-pwede bang M.U nalang muna? yung ganito lang. kahit na may gusto tayo sa isa't isa, wala tayong commitment." sabi ko.

"eh Shar diba ganun nga rin yun? diba para nga tayong mag boyfriend kung kumilos?" seryosong sabi niya.

"Jai hindi. kasi pag may commitment, mag aagawan tayo sa oras. di ba mas maayos kung ganito muna? yung kasama parin yung barkada, yung masaya na tayo kung kailan lang tayo pwedeng magkita." paliwanag ko.

"Sh-Shar..." banggit niya. pero di niya tinuloy.

"sige, naiintindihan ko." walang gana niyang sabi.

"Jai bata pa naman tayo eh. wag talaga muna ngayon." sabi ko.

hinawakan niya yung kamay ko at pinilit ngumiti.

"kung yung pagharap nga sa family problem namin, hindi ko sinukuan eh. sayo pa kaya?" sabi niya naman.

"Salamat Jai. Salamat!" nakangiti kong sabi.

nakakatuwa talaga na ganito kabait si Jai. kaya tuloy lalo akong naiin love. hindi lang talaga ako handa. pero atleast alam kong nandiyan lang lagi si Jai para sa akin. pati na rin siyempre ang barkada.

to be continued...

A/N: sorry sa sabaw na chapter. pero sad to say... last na to!!! Epilogue na ang next. gusto niyo bang iend ko pa ito na maging sila? may requests kasi ng Book 2 eh. sige push niyo yan! ;) tatapusin ko muna yung Bakit? (JaiLene FanFiction) bago ko ipush yung sequel neto.

sorry talaga sa super sabaw na UD. di ko kasi alam paano ieexpress yung mararamdaman ni Shar sa kanyang POV.

Salamat talaga sa lahat ha! :*

VOTE, COMMENT & FOLLOW!

The Barkada (LuvU FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon