45- misunderstanding

829 22 1
                                    

Nash's POV

dumaan ulit ako sa park para maki shooting sa mga nagba basketball dun pero...

hayyysssttt!!!

eto nanaman ba siya?!

sa dinami daming makikita ko... siya pa?

eh ayaw ko nga siyang makitang umiiyak.

gusto ko siyang tawanan sa pinaggagawa niya, kasi napaka emo niya. pero pasalamat siya na bestfriend ko siya kaya ayoko siyang nakikitang ganun. kaya inaya ko nalang siyang iuwi siya sa kanila...

pagdating namin sa kanila...

"Shar, tigilan mo na nga yan!" natatawa kong sabi habang umiiyak siya.

"tse!" sabi niya. "naturingang ikaw yung nag iisang bestfriend ko na lalaki. di mo nalang ako intindihin."

natatawa pa rin ako.

"hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito! di ko naman siya boyfr---" sabi niya na pinutol ko.

"yan! buti naman alam mo. hindi mo nga siya boyfriend di ba? kaya tumigil ka diyan. bestfriend ko kayo pareho ni Jai. pero masyado ka nang hindi praktikal sa pinaggagawa mo. uso naman long distance relationship ngayon ah! tsaka di mo nga dapat pinahihirapan sarili mo kasi hindi nga kayo diba?!" paliwanag ko sa kanya. kailangan ko na siyang gisingin sa realidad. ayokong nakikitang ganito ang best friend ko. dapat maging normal parin ang everyday life niya. paano ba naman kasi, napaka emo. pero di ko pa rin talaga masisisi tong babaeng to! first time mainlababo. haha. nakakatawa. ang childish talaga niya!

lalo naman tuloy siyang ngumuyngoy! hahaha! kulit talaga neto!

para icomfort, i hugged her. wala namang ibang dadamay sa kanya ngayon. may lakad si sophia with kobi. ganun din si andre na nasa condo ni francis para mag xbox. si tita cris naman, siyempre may work.

matagal ko siyang niyakap. di ko inaalis habang umiiyak pa rin siya. kailangan niyang ilabas to. bestfriend ko to at bestfriend ko rin ang prince charming neto. tapos bestfriend pa neto ang prinsesa ko- na kapatid ng bestfriend ko. hahaha! natatawa tuloy ako habang niyayakap siya. siya naman, hinahampas lang ako habang tumatawa ako. pero umiiyak parin siya. hahaha!

pero may nagtanggal ng pagkakayakap namin. tapos sinuntok ako. sobrang sakit! napayuko ako at hinawakan ang mukha kong nasuntok.

"Jai?!" sigaw ni Shar. bigla naman akong napatingin sa sumuntok sa akin. anong ginagawa niya dito?! teka, na misunderstood ni pare!!!

"Teka pare! mali ang iniisip mo!" mahinahon kong sabi na magpapaliwanag na sana. pero... sinuntok niya kong muli.

The Barkada (LuvU FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon