Jai's POV
"Ang tanga tanga mo Jairus!" sumisigaw na sabi ni Sharlene. Aba! paano naman akong naging tanga?! sa akin pa siya nagalit? eh siya nga tong may kasalanan sa akin! ang sakit sakit!
"Kuya! gising!" bigla akong natauhan. at pagmulat ko, si Alexa ang nakita ko. hayss!!! buti panaginip lang!
ano namang nakain ng kapatid ko at ngiting ngiti to? kagabi lang umiiyak to eh! teka... nakalimutan ko! nakatulog ako eh! tsk tsk!
"anong oras kang umuwi kagabi?!" agad kong tayo sa pagkakahiga at pasungit na tinanong sa kanya.
"basta! di naman masyadong gabi eh. wala pa nga sila Daddy nung umuwi ako eh." nakangiti parin niyang sagot. nakakaloko na talaga ha! ano bang hangin ang pumasok sa utak ng kapatid ko?!
umiling uling nalang ako dahil sa kawirduhan niya.
"Kuya, you need to wash up na. may visitors tayo and may dala silang breakfast!" mas natuwa niyang sabi.
baka sila mamita na yun! tumayo na ko agad at tumingin sa oras. eh kaya naman pala antok na antok pa ko eh! 6:30 palang. ang aga naman ni mamita!
"pakisabi kay mamita, wait lang! ang aga naman kasi niya eh!" sigaw ko kay Alexa habang nagmamadali na kong kumuha ng damit at papasok ng banyo.
maliligo na ko ng maaga. paniguradong pag nandito si mamita, magaaya yun ng shopping. kailangan ko pa naman ngayon ng bagong shirts. nag overweight na kasi yung baggage ko kaya iniwan ko nalang sa kaibigan ko yung iba kong shirts.
pero biglang tumawa si Alexa ng napakalakas pagkasabi ko nun. ano nga kayang nakain nun? sobrang broken hearted na yata kaya inaaliw yung sarili. kawawa naman ang kapatid ko. kasalanan tong lahat ni Nash! pati si Shar, ingaw niya sakin! kaya naman hindi ko parin maiwasan ang pag iisip sa kanila habang naliligo na ako.
nagmadali parin naman ako. ayaw ni mamita na pinaghihintay ang pagkain.
nagbihis lang ako ng boxers at T-shirt. sanay na naman sila Mamita sakin eh. hehe. ang init init kaya sa Pilipinas! ^_^V
paglabas ko ng kwarto, nagmamadali na kong bumaba. tapos sumigaw ako...
"Good Morning Mamita!"
pero nagulat ako sa nakita ko..
.
.
.
.
.
.
.
BINABASA MO ANG
The Barkada (LuvU FanFiction)
Fiksi PenggemarJoin their barkada's adventure. © 2013 | iJOANNAmissathing