jairus' pov
monday ngayon. and we're stick to the plan.
so si sharlene pala ang dahilan kung bakit ako kinausap ni marci last week.
*flashback*
lumapit sakin si marci.
"oh pare anong saten?" tanong ko.
"ah wala naman. napapansin ko lang seryoso na tayo sa babae ha. sige pare goodluck." sagot naman nya na nahihiya pero pinilit paring ngumiti.
hindi ko nalang yun pinansin. mukha naman kasing inosenteng tingnan si marci. sa uniform nyang madilaw, sa eye glasses nyang may scotch tape na, at sa bag nyang tastas na.
*end of flashback*
mukha talagang inosente si marci. pero nag iingat lang talaga kami. mabuti na yung sigurado.
nag iisip pako ng may sumigaw.
"mr. aquino!" si ms. belo. aysshhh!!! may klase pa nga pala! nag peace sign lang ako sa kanya then smile. pero nagsalita sya ulit.
"ano ba talagang meron sa mga estudyante ngayon? alam nyo bang nung nakaraan lang, may sinigaw din akong pangalan sa section 1 dahil malayo sa klase ang iniisip. ang hirap kasi sa inyo, dinadala nyo lang lagi sa school ay mga gamit nyo at katawan. pero ang isip nyo naiiwan sa kung saan." mahaba nyang sabi. ayoko na sana makinig pa sa sermon nya.
pero biglang may kaklase akong nagtanong kay mam. "mam sino sa section 1?"
mabilis namang sumagot si ms. belo... "si san pedro.".
napangiti ako sa sinabi ni ms. belo. ako kaya iniisip ni shar? haha. tama nga si shar.. masyado akong feelingero. natatawa lang ako sa iniisip ko.
recess time na. and it's time for the plan.
tinabihan ko si shar. hindi ko kasi talaga alam kung anong bantay ang gagawin ko. kaya nag act as a boyfriend ako. inakbayan ko nalang sya habang nakaupo kami sa canteen. ipinaalam ko naman sa kanya yun para hindi sya mailang.
si kobi, napapansin kong ginagawa na ang task. tumitingin sa paligid. baka kasi gangster pala si marci tapos may ibang gangmate na nagmamasid. yun yung isa pang reason ng task ni kobi.
si marci kasi, ayun, kung dati walang kasakasama.. ngayon kasama nila andrei and sophia.
si nash... ayun...pa easy easy lang. loko yun eh. sya walang task. pero napapansin ko namang ginagawa din nya ang task ni kobi. astig talaga ang bespren ko. kaya ayos sakin ang panliligaw nya sa kapatid ko. ewan ko nga lang kung talagang nanliligaw na yun. eh mabagal din yun eh!
uwian na... maayos naman ang naging takbo ng plano. nagset nalang kami ng bonding every weekend para makasama rin namin sila sophia at andrei. mabait din kasi sila. at wala dapat pinapalampas na pagkakataon ang barkada.
nagpaalam na sakin si alexa. gagawin na nila ni mika ang task nila. ang sundan si marci pauwi. every monday ang naging usapan nilang dalawa. delikado yung ginagawa nila. lalo't babae sila at walang laban kung sakaling may mangyari. pero alanganin kasi kung lalaki ang susunod kay marci. baka biglang magka trouble. kaya sila nalang.
pero nirequest naman ni alexa na sundan nila si marci gamit yung isa naming kotse. para safe sila. ginamit nila yung kotse na hindi pinanghahatid sundo samin ng driver namin para hindi mahalata.
TO BE CONTINUED........
BINABASA MO ANG
The Barkada (LuvU FanFiction)
FanfictionJoin their barkada's adventure. © 2013 | iJOANNAmissathing