Alexa's POV
nakakatuwa talaga ang barkada. ngayon, 9 na kami. habang lumalaki, lalong sumasaya.
"so wala ka talagang balak sabihin kay shar?"
biglang nawala ang utak ko sa pag iimagine sa barkada nang marinig ko ang boses ni Nash mula sa kwarto ni kuya. magkausap kasi sila ngayon ni kuya. pero hindi ko alam kung ano ang pinag uusapan nila at tungkol pa kay shar. may ginagawa bang kasalanan si kuya kay shar? halata kasing napalakas ang boses ni nash dahil parang naiinis siya sa pagkakasalita. gusto ko sanang pakinggan pa yung pag uusap nila. kaso bigla na silang lumabas ng kwarto pareho at nagpunta sa garden.
napapansin ko ngang these past few weeks, may nililihim si kuya. feeling ko nga pati sila mommy at daddy rin. hindi ko talaga alam kung anong meron. minsan gusto kong magalit sa kanila dahil ako lang yata ang hindi nakakaalam dito sa bahay kung anong sikreto ni kuya. pero hindi ko rin naman sila masisisi. ayaw siguro nila akong sabihan dahil alam nilang masyado akong madaldal.
ngayong nalaman kong alam din ni Nash yung lihim ni kuya, naisip kong tanungin siya about this pag nagkausap kami. pero mas mabuti sigurong wag nalang. para di na niya malamang may idea na akong may nililihim sila. sigurado rin namang hindi niya yun sasabihin sakin.
ano nga kaya yung secret na yun na hindi nila sinasabi sa akin dahil importanteng hindi ko maidaldal sa iba?
Francis' POV
it's nice to meet Andre's friends. lahat sila mabait. especially mika. no wonder na nagustuhan siya ng bestfriend kong si Andre. atleast hindi na ako mahihirapang mag adjust dito sa Philippines.
but there's one reason kung bakit umuwi ako sa pilipinas. may isang pangako akong dapat tuparin sa isang batang babaeng kaibigan ko dati dito sa pilipinas. sa baguio pa kami nakatira noon nung makilala ko si Lala.
i really don't know what's something sa kanya na hindi ko siya makalimutan. specially yung promise namin sa isa't isa.
flashback...
"aalis ka na? pupunta ka na sa america?" sabi ni lala na halos maiyak na.
"oo eh. kailangan ko daw na dun mag aral sabi ni mommy. dun kasi nagwo work si daddy." sagot ko sa kanya na halos umiyak na rin. feeling ko kasi mawawalan ako ng isang napakabuting kaibigan.
"bumalik ka ha. gusto ko bumalik ka. ikaw lang bestfriend ko." sabi niya then ngumiti na.
"promise ko sayo babalik ako." sabi ko then nag pinky swear kami.
end of flashback...
i was 8 years old nung mag promise ako kay Lala. pero hanggang ngayon hindi ko parin to makalimutan. she was my bestfriend. magkatabi lang ang mga bahay namin noon sa baguio.
sana makita ko na siya ulit. sana makita ko pa siya pag bumalik ako sa baguio.
to be continued...
BINABASA MO ANG
The Barkada (LuvU FanFiction)
FanfictionJoin their barkada's adventure. © 2013 | iJOANNAmissathing