andrei's pov
tinext ko si mika. pero bakit ganun, ibinaba ko na nga yung napakataas kong pride, pero hindi nya lang pinansin. ang sabi ko lang naman...
mika, sorry kung nauurat ka sakin ha. ganun lang naman ako kasi ang cute mo pag naiinis. pero sa napansin ko kanina, galit ka na. kaya sorry na talaga. friends na please? :)
bat kaya ang init ng dugo sakin ng babaeng yun? napaka sungit at suplada. pasalamat sya cute sya.
kaya ko sya natext, kasi binigay ni kobi sakin kanina nung nasa garden kami ng bahay nila jai. lumapit sakin si kobi.
*flashback*
"pare, pahingi namang pabor oh." sabi ni kobi.
tumango lang ako.
"diba mag pinsan naman kayo ni sophia. lakad mo naman ako. ayoko kasi pag kay shar ako huminging tulong. baka ilaglag pako nun." dagdag nya.
"sige ba pre. pero sa isang kondisyon" sagot ko.
"si mika. sige, pinsan ko naman yun. pinsan sa pinsan tayo bro." sabi nya na ikinagulat ko.
"pano mo na---" tanong ko pero pinutol nya.
"sus. alam ko na yan. style ko mang asar pag interested ako sa babae. iba lang ako kay sophia dahil gusto ko talaga syang makilala. at pare, alam ko ring number lang ni mika kailangan mo. kasi inaasar mo palang sya. meaning interested ka palang pero hindi mo pa ganun ka type" mahabang sagot ni kobi.
grabe! ang astig nya! alam agad nya sa tingin palang. ganun din siguro sila nash at jai. ang astig ng napasukan kong barkada.
*end of flashback*
naalala ko ulit si mika. di na talaga sya nag reply. didiretsohin ko nalang sya bukas. baka ayaw nya ng apology sa text. mga babae talaga!
mika's pov
wednesday. uwian na ulit. at tuloy parin yung plan namin. walang nagbago.
may papalapit sakin. si andrei. tong bwisit nato! hindi paba to nakukuntento?! baka dahil hindi nya ako naurat sa text kagabi. kaya bumabawi ngayon.
pero may iba.... bakit ganun yung itsura nya. parang batang naagawan ng lollipop. parte ba to ng pang aasar nya? hindi ko pa naman kasabay ngayon si alexa. tapos wala pakong sundo. naka leave drivet namin. wala akong palusot para umiwas.
ganun parin yung muka nya. paawa effect padin. then nagsalita sya atlast.
"mika ano bang problem mo sakin? binabaan ko na nga yung pride ko kagabi para itext sayo na sorry sa mga pang aasar. pero bakit wala manlang reply. kahit 'ok' o kaya kahit plastikin mo nakang ako. pero wala eh. umaasa akong may approval sayo yung tanong ko sayo sa text na 'friends?' pero wala ding kahit anong reply. ganun kanaba talaga ka galit sakin sa 3 araw na pang aasar ko sayo? kung ayaw mo ako sa barkada, then tell me. aalis ako sa grupo. tutal bago lang naman ako sa inyo." super habang sabi nya.
grabe. paano kaya yung pagkakatext nya kagabi at nagtampo agad na hindi ako nakapag reply? siguro talagang wala sa vocabulary nya ang salitang 'sorry' pero tinext nya kagabi kaya ganito nalang kung mag react. ni hindi manlang nga ako pinagsalita. feeling guilty tuloy ako. kasi naman kung bakit ba hindi ko binasa yung text kagabi. malay ko ba namang magso sorry sya.
nakakaawa parin yung muka nya. kaya lalo akong nagi naguilty. so eto nalang sabi ko....
"ok. dont be mad at me. im sorry din. kasi hindi ko binasa yung text. akala ko kasi mang aasar ka nanaman kaya dinelete ko. pero kung nabasa ko yun, promise magrereply ako ng..... sure friends na tayo" natataranta ako sa mukha nya kaya mabilis akong nagsalita. pero pinilit ko paring ngumiti after kong magsalita.
"so friends na tayo?" sabi nya then he smiled. cute din naman pala ang mokong pag sincere ang smile at hindi pang asar.
"friends." i replied then nag shake hands kami.
"so ok lang sayo tawagin tayong mikandrei?" humirit pa tong mokong nato. kakabati lang namin nang asar na.
"hoy wag kang makulit ha. kakabati lang natin!" sabi ko then pout.
"hindi joke lang, pero tandaan mo ha.. ang bawat joke may lamang katotohanan." he said with a smile.
so anong meaning ni mokong? ang gulo naman neto! pero whats important now is friends na kami.
TO BE CONTINUED............
BINABASA MO ANG
The Barkada (LuvU FanFiction)
FanfictionJoin their barkada's adventure. © 2013 | iJOANNAmissathing