Francis' POV
pinuntahan ko agad yung address na binigay ng matanda. sa Parañaque. pagdating ko, naka lock.
"sino pong hanap niyo?" isang babae ang biglang nagsalita. tancha ko, kasing edad ko lang yung babae.
"ah. may kilala po ba kayong Lala?" tanong ko sa babae.
"ah si Lala! wala na pong nakatira dyan. namatay na po kasi yung mama't papa nya 2years ago. ulila na si lala" kwento ng babae.
"eh nasaan na si Lala ngayon nakatira?" tanong ko.
"sa pagkakaalam ko, dun siya nakitira sa mayaman niyang classmate nung 1st year. hindi ko lang alam kung saan" kwento ulit nung babae.
"ahh. saan ba nag aral si Lala ng 1st year? posible kayang malapit lang dun nakatira yung classmate niya?" tanong ko pang ulit.
"sa municipal siya nag aral. pero hindi na siya dun mula nang mamatay parents. dun din kasi ako nag aaral" sabi niya.
"ahh sige. salamat ha." nagpaalam nako.
pakiramdam ko nawawalan na ako ng pag asa sa paghahanap kay Lala. ginawa ko na lahat. at tinanong na lahat. pero wala parin. at ngayon, hindi ko na alam kung saan ko siya sisimulang hanapin.
siguro hindi pa dapat muna sa ngayon. sa mga susunod na linggo o buwan nalang siguro. mahirap kasi dahil hindi ko alam ang tunay nyang pangalan.
tanging magandang smile, matangos na ilong, mapupungay na mata at pangalang LALA lang ang alam ko sa kanya.
pag uwi ko sa condo... may maingay nanaman sa kabilang room. puro naman OST ng FROZEN ang pinapatugtog. nakakainis talaga. paulit ulit nalang. mula nung umuwi ako dito. ang ingay ingay. sigurado akong kung hindi babae, bakla ang nakatira sa unit na yun.
i wanted to shout dun sa may ari ng maingay na unit. pero hindi naman ako eskandaloso para gawin yun. gusto ko rin sanang magreklamo, pero pinili ko nalang manahimik. baka ngayong week lang naman yun. sana next week manahimik na mga yun.
to be continued...
BINABASA MO ANG
The Barkada (LuvU FanFiction)
FanfictionJoin their barkada's adventure. © 2013 | iJOANNAmissathing