26- the secret

932 17 0
                                    

Jai's POV

kailangan kong lumayo kay Shar. kailangan kong masanay na wala sya near me. dahil...

kailangan kong umalis ng bansa.

kailangan kong mag aral dun for college. and dun ko nalang din daw tapusin ang high school ko sabi ni daddy.

kailangan ko kasing mag aral sa London. dun ako mag aaral ng Business Management. and after college daw, ako narin ang magha handle ng business namin dun din sa London.

ayoko sanang umalis. pero si Dad na kasi mismo ang humiling. hindi na ako makatanggi. besides, this is for my future. and my family's future.

nag decide akong wag sabihin kay shar at medyo lumayo nalang muna ako. gusto ko kasing masanay akong wala siya. and ayoko ng mga eksenang mag gu goodbye kami sa isa't isa sa labas ng airport habang nag iiyakan. hindi ako handa sa mga ganung pangyayari.

ewan ko ba! nagagalit nga sa akin si Nash dahil maling mali daw ang decision ko. dahil gagawin ko daw mukang tanga ang barkada. lalo na si shar. na isang araw daw magugulat nalang na wala ako at nasa London na. lalo lang daw akong masasaktan dahil hindi manlang ako nakapagpaalam ng maayos.

pero mas prefer ko talaga yung masanay akong medyo ilap kay shar. kesa sa biglaang goodbye sa isa't isa.

isa pa sa mga ikanaiinis ni Nash yung hindi ko pagsabi nito kay Alexa. ako mismo ang humiling kay mommy at daddy na wag sabihin sa kapatid ko. dahil sure akong kahit makiusap ako kay Alexa na wag sabihin kay Shar, makakarating parin to sa kanya. kaya napagdesisyunan ko nalang na wag sabihin.

pero may kinakatakot akong mangyari pag hindi ako nagpaalam kay Shar.

kung pagbalik ko kaya, may Shar pa kong mababalikan?

Francis' POV

it's my first week here in the Philippines since I came back. and inuna ko agad pasyalan ang baguio. grabe! everything has changed! 7 years is too long for a change.

dumiretso agad ako sa dati naming tinitirahan. I asked my mom for the address dahil bata pa nga ko nung umalis kami kaya hindi ko alam. pagdating ko, may nag approach agad sa akin.

"kiko? ikaw na ba yan?" sabi nung matandang lalaki. kilala ko siya. pero sa mukha lang. I nodded then smiled.

"naku! lumaking gwapo ah. parang kelan lang nagtatakbo ka lang diyan kasama si Lala." nabanggit na niya si lala kaya tinanong ko na.

"oo nga ho eh. si Lala po, nasaan?" tanong ko.

"ay si Lala. nasa maynila na nakatira yun. nung araw na umalis kayo papuntang amerika, kinabukasan ay siyang luwas nila sa maynila." paliwanag ng matandang lalaki.

"ganun po ba. alam niyo po ba kung saan sila sa maynila nakatira? may naiwan ho bang address?" tanong ko ulit.

"oo iho. sandali lang............................................... eto oh. pero iho hindi ko lang sigurado kung dito parin sila nakatira. pitong taon narin kasi ito." pag abot ng matanda sa isang maliit na papel na may address.

"okay lang ho. susubukan ko parin pong puntahan. salamat po sa pagbigay ng address." pagpapasalamat ko sa matanda.

"walang anuman hijo" sagot ng matanda.

"sige po. mauna na po ako. may pupuntahan pa ho ako. salamat po ulit." sabi ko sa matanda.

"sige. walang anuman. mag ingat ka nalang hijo." paalala pa ng matanda.

umalis na agad ako para puntahan ang address na ibinigay ng matanda.

to be continued...

The Barkada (LuvU FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon