13- marci's confession

1.1K 24 0
                                    

sophia's pov

thursday. malaking hakbang na ang iririsk ko ngayon para sa plano. kasama ko si marci. hindi nya alam na pinsan ko si shar. actually walang nakakaalam. dahil mula nung first day namin ni andrei dito sa campus, si marci agad ang friend namin. which is kunwari lang naman. barkada lang ang nakakaalam ng fact na pinsan namin ni andrei si shar. ni hindi kasi namin kinakausap ang barkada inside the campus. kung may pag uusapan man ay sa text nalang.

back to reality..

so eto na nga, im with marci. and tinext ko si andrei na lumayo muna sya samin for marci's confession. tinext ko lang si andrei para sure na walang makakarinig.

"uhmm... marci, can i ask you something?" panimula ko.

"sige. ano yun?" maamong tanong ni marci. oo maamo, ganyan sya magsalita. normal nya yun.

"ahh.... do you like sharlene san pedro? yung section 1." tanong ko ulit.

"a-ah s-saan m-mo naman n-nalaman yun?" utal utal nyang sabi. haha. i got it! he's hiding something.

"hindi naman sa nangangalap ako marci. lagi kasi kitang nakikitang nakatingin sa barkada nung sharlene na yun." sabi ko nalang. kainis eh. sasagot nalang ng oo o hindi ang tagal pa.

"eh p-panu mo n-naman nasabing si s-sharlene yung t-tinitingnan ko d-dun?" medyo nabawasan na yung utal nya. ba! akala yata neto wala nakong palusot!

"kasi pag ngumingiti si girl, napapangiti ka eh." sagot ko naman. confident akong wala ng palusot to!

"a-ah sige sasabihin ko sayo sophia. pero wag kang maingay kahit kanino ha. e-eh kasi crush ko talaga si sharlene" sagot nya. haha. gotcha!

"eh bakit hindi mo lapitan? mukha namang mabait si Sharlene. ngingitian nga ako dun pag nakakasalubong ko." tanong ko. best actress yata to.

"eh kasi nahihiya ako. tingnan mo naman itsura ko. tapos gusto ko sanang lapitan pero parang sila na ni jairus. yung hearthtrob dito sa LUV U. kilala mo narin siguro yun. tapos sumunod parang against sakin yung mga barkada nya. laging nakabantay sakin. para namang rereypin ko si shar. ok lang naman sakin yung kahit maging friends kami. nalulungkot lang ako na kahit yung friendship lang hindi ko nakuha." kwento nya sakin. pagkarinig ko ng side nya, i saw his sincerity and admiration for sharlene. siguro this is the end of our investigation. pero i asked him one last question.

"ano namang nagustuhan mo Kay sharlene? and what made you decide to admire her from afar?"

he answered with a smile.

"kasi bukod sa maganda sya, simple sya, matalino at mabait. tinulungan nya kasi ako dati nung nasa book store ako. may book report kami nung second year tapos wala yung librong hinahanap ko sa library. sa book store lang at wala ako nun pambili. pero nung nakita nya kong binabasa lang yung summary ng story sa likod ng libro, binili nya yung libro tapos binigay sakin. grabe! ganun sya kabait."

" kaya naman ayos lang sakin na mahalin sya mula sa malayo... eh dahil sabi ng tatay ko noon, kung hindi naman para sayo ang isang bagay ay pabayaan mo. gustuhin mo ito pero wag mong aangkinin. kaya kahit balak ko na syang tapatin noong mga nakaraang linggo, pinabayaan ko nalang ang nararamdaman ko dahil nakita kong masaya na sya kay jairus. at nung gusto ko naman syang kaibiganin nalang, napansin ko naman yung barkada nyang ayaw sakin kaya heto..." dagadag nya.

naku curious talaga ako kaya i asked him once again.

"eh bakit kasi hindi mo sya kinaibigan noong second year palang."

"eh kasi nga insecure ako. dahil eto lang ako. tsaka dati.. crush ko lang si Sharlene. pero sa twing nakikita ko syang may natutulungan, minamahal ko na sya. hanggang umabot sa puntong mahal ko nga sya pero hindi na dapat pa." he answered.

nung marinig ko yung confession nya, i wanted to cry. siguro sa sympathy. o dahil natatakot akong matulad sa situation nya. naunahan kasi kami ng pagiging judgemental. pero naisip ko rin, kung hindi namin sya napag isipan ng masama noong una, edi hindi ko narinig lahat ng to mula sa kanya.

poor marci. sya na nga tong hirap sa situation, sya pa tong napag isipan namin ng masama.

dati natatawa ako sa kasabihang "dont judge the book by its cover". ginagawa ko pa tong katatawanan tapos dudugtungan ng "because your not a judge" o kaya ng "because it has no cover".

pero in between marci and our situation, that quotation is a big deal. that quotation has big role. because we didn't give that quotation ............IMPORTANCE.

TO BE CONTINUED....

The Barkada (LuvU FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon