Chapter 5: Fail Surprise~
[JUN’S POV]
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa mga babaeng ‘to (sa tropa namin ah, hindi yung mga babae ko). Parang mga baliw eh. Palibhasa natakot nanaman sa brat. Nagalit kasi si Odette, masyado daw fascinated sila Aly at Zia kay Tiffanie. Feeling nya daw, mas bias na sila kay Tif. Sows. At bilang pagbawi, ayan, naghahanda ng surprise. Pati ako dinadamay. -_-
Bakit kasi naman, hindi na lang nila tanggapin pare-pareho na may ibang mahal na si Vince? Pilit pa ng pilit eh. Etong si Odette, ayaw pang mag-move on. Hay. Ang complicated talaga ng love. Ayoko talaga nyan!
“Ano? Okay na ba, Jun?” yan, dumating na sila.
Andito kasi ako sa backstage ng SU AVR (Audio Visual Room) para nga ipaayos yung surpresa. Mamaya kasi magpe-perform sila Ivan sa gaganaping Freshman Orientation mamayang hapon. At dun sa performance isasabay yung surprise nitong sila Zia at Aly.
“Oo, ok na. Tara, labas na tayo. Mag-lunch na tayo. Ilibre nyo ‘ko, gutom na ‘ko!” hinila ko na sila sa labas.
xxx
Nakasama na rin naming tatlo sila Vince, Ivan at yung mag-best friend na sila Odette at Gerald.
“Guys, hindi na ako makakanuod ng orientation mamaya. I have to meet Tiffanie this afternoon.” Sabi ni Vince nung palabas na kami ng cafeteria.
Facepalm. Naku naman oh! Hindi sya pwedeng mawala dun. Pano nalang yung surprise? Yung performance? Ay jusko oo.
“Pare, di pwede.” Pigil ni Ivan.
“And why not? Alam ko mas maganda kung andon ang Campus Royalties pero hindi naman tayo cumpolsary don.” Reklamo nanaman nitong si Mr. Alvarez. -_-
Anakanangteteng naman oh! Eto si mister reasons eh. Wala talagang nakakawala sa mga sagot nito eh. =_=
“Eh! Basta. Hindi ka pwedeng mawala.” Pagmamaktol ko naman.
“Bakit ba? Si Ivan ang host, di ba? Hindi ako. Hindi rin ako magpo-production number. And boys, I have to see Tiffanie.” Ayun, ayun na ang aura nyang napipikon na.
“Psh.” Pumagitna naman bigla samin si Odette na naka-crossarms pa at pa-cool na parang wala lang na nagsabing, “Hayaan nyo kung ayaw.”
Seriously? Wow. Kelan pa sya naka-gain ulit magmaldita kay Vince?
For a couple of minutes of silence, napansin kong medyo iba ang tingin ni Vince kay Odette. Parang… what the hell look. Pero si Od, sa iba naka-tingin. Tipong nangaasar.
ANMERON?!
“Ayaw mo bang makasama si Vince, Odette?” pangaasar ni Ivan sa kanya.
Tinanggal nya yung pagkaka-crossarms nya at tsaka sumimangot. “Yung totoo? Tsh! Syempre gusto ko. Eh kung ayaw nya, edi wag nya. Pa-VIP.”
Napatingin nanaman ako kay Vince na biglang umiling-iling. Parang… anong problema nitong babaeng ‘to look. Dati todo iwasan ‘tong dalawa, ngayon bangayan. -_-
“Hayaan nyo sya. Hindi ako magmamakaawa na mag-stay sya, pero panigurado akong manunuod yan.” Confident na sabi ni Od.
“Kailangan ko pang puntahan ang GIRLFRIEND ko. She’s my priority.” Aray naman yun kay Odette.
“Hayy… I guess we can’t do anything to stop you.” Napailing na lang din si Ivan. “Naghanda pa naman ng intermission number si Od. Tsk! Sayang…”
BINABASA MO ANG
YOU'RE STILL MINE (Book 2)
HumorYou want him back. And you'll do everything to have him. Pero pano kung may kapalit ka na pala? Pano kung may mahal na syang iba? Maglalakas loob pa din si Odette na ipaglaban si Vince. She owns him. Kahit pa isang superstar ang karibal nya. She sti...