Chapter 43: Trigonometry Exam
VINCE'S POV
Masaya ako kasi ok na kami ni Maria. Binigyan na nya ako ng chance. Sabi nya mahal na mahal pa din daw nya ko.
Ayaw lang nya talaga gawing official ang samin dahil sa rason ko sa pagiging boyfriend ni Nie. At dahil hanggang ngayon, ayoko pa. At gusto ko pa ding makita yung hardships ni Maria para sakin. Kahit konting hint sa sobrang paghihirap. Kahit isa lang. Yung maituturing ko na, sapat na para tapatan lahat ng nagawa.
Alam ko hindi pa din ako maiintindihan ng mga nakakaalam neto, dahil hinding hindi nila alam kung gano ako naghirap noon.
Mahirap lumaban kung alam mong masaya naman sa iba yung pinaglalaban mo. Bawat trabahong ginagawa ko sa ibang bansa para patunayan, iniiyakan ko dahil hindi ko naman sigurado kung mapupunta pa sya sakin eh.
Gusto ko lang makakita ng isang napakalaking dahilan kung san masasabi kong… Mahal nga ako ni Maria gaya ng pagmamahal ko sa kanya.
Kinuha ko yung isang Journal sa ilalim ng kama ko. Dito nakalista lahat ng schedule ko noon nung nagtrabaho ako kay Lolo Anton sa UK. Isang page na lang ang walang laman, sa last page. Naisipan kong isulat lahat ng nararamdaman ko dito
-
Pero pano ko naman masasabi yon? Kung noon, nagawa nyang makipag-halikan sa lalaking dahilan ng pag-iyak ko sa US at UK? Kung hindi pa nagtatagal yung pagsubok ko sa kanya, bumitaw na sya. Pano ko masasabing mahal nga nya ako kung ngayong sinabi ko na mahal ko pa din sya, at sinabi nya saking she never stopped loving me pero nagawa nyang araling mahalin si Jin. Nagawa nyang sabihin sakin, habang diretsong nakatingin sa mata ko, na hindi nya ako mahal.
Pano?
At ngayon, nawala nga si Marco. Nalaman ko na ang katauhan ni Josh. Nagpaubaya na din si Jin. Pero nahahati nanaman ang oras ni Maria dahil sa Kean na yun. At gaya ni Jin, mukhang sinusuyo nya si Maria!
Sige, pano ako mapapanatag?!
She can say she loves me so much. But sometimes, it's true that actions speaks louder than words. Yes she says she loves me, but she always hang out with the people I don't trust. She gives more time with the others. I didn't say I want her time alone, but sana naman di ba? Act as if she's seriously in love with me!
Mahal ko sya. Mahal din naman nya ko. But I can't see it. I can't feel it. Kaya habang hindi ko pa ramdam ang pagmamahal nya sakin, hindi ko muna sasabihing naging kami ni Tif dahil gusto ko syang saktan para malaman nyang mahal na nya ako.
-
*sigh*
"Wow! Ang lalim ha?!" napatingin ako sa nagsalita. Si Prei pala, naka-uniform na sya.
"Well, yeah. Prei, I have to go back to London para puntahan si Tif. Sasabihin ko sa kanya yung sudden change of plans. At gusto ko na syang ilabas sa gusot na to." sabi ko habang tinatago yung journal sa loob ng drawer.
Lumabas na din kami ni Prei at pumunta na sa kotse.
Doon, nilabas ko yung notes ko sa Trigo para medyo review bago ang exam. Tinext ko din si Maria.
To: Maria my baby girl
'Maria, wag kang male-late ha? First exam natin ang Trigo and, mag-review ka din. Ha? See you! <3'
Oo, tine-test ko nga si Maria pero hindi ibig sabihin non, ititigil ko ang pagsisigaw sa mundo kung gano ko sya kamahal.
Ilang sandali lang, nag-vibrate yung phone ko.
From: Maria my baby girl
'Andito na ko! Kanina pa, 7am. Lance pulled me early here so yeah.'
Kanina pa sya? Edi sana kanina pa din ako pumasok nang nakasama ko sya?! Tskk.
BINABASA MO ANG
YOU'RE STILL MINE (Book 2)
ComédieYou want him back. And you'll do everything to have him. Pero pano kung may kapalit ka na pala? Pano kung may mahal na syang iba? Maglalakas loob pa din si Odette na ipaglaban si Vince. She owns him. Kahit pa isang superstar ang karibal nya. She sti...