Chapter 26: Period of US

1.9K 30 9
                                    

Chapter 26: Period of US

ODETTE'S POV

Umupo muna kami and kumain. Sabi ni Lolo mamaya ko na daw sabihin ang announcement ko.

Magkatabi kami ni Jin habang sa harap namin ay si Vince at Prei.

Parang kinakabahan ako sabihin kay Lolo kasi alam nyo naman yan, si Vince lang ang gusto for me. Pero bahala na! I have to tell the truth.

--

Kanina pa napapansin ni Mr. Anthony Lopez Sr. ang kakaibang treatment ni Odette at Jin sa isa't isa. Lihim nya silang sinusulyapan.

'Naaamoy ko na to. Buti at handa kami ni Paulito.' sabi nya sa sarili.

Sa huling pag-sulyap ni Anton (Lolo Lopez Sr.) sa apong babae, napasulyap din sya kay Vince na kausap si Prei at Lance.

Matanda na si Anton at graduate sya ng Psychology sa SU. Madami na din syang karanasan sa buhay. Kaya naman nababasa nya ang mata ni Vince.

"I feel so sorry for your grandson, Lito." sabi nya sa katabing si Paulito.

"It's his choice, Anton. However, they will still end up being with each other. Nangako tayo sa mga magulang natin, di ba, Anton?" sagot na tanong ni Paulito.

"Oo naman." Anton

"Pero as much as possible, Anton, let's just let them handle their situation. Hayaan natin sila sa mga desisyon nila. Pag tungtong ni Odette ng 18, kahit ano pang status nila sa isa't isa, kailangan natin silang ipakasal, hindi ba? Pero as I've said, hayaan natin sila." Paulito

"Tama ka. Tapos na nating i-test ang kakayanan ni Vince. It's time to test the both of them, to test their feelings." Anton

"Hindi ba't anak ni Yanny Akimoto ang kasama ni Odette?" Paulito

"Oo, si Jin Akimoto. Ang panganay na anak ni Yanny." Anton

"Panganay? Hindi ba't isa lang ang anak ni Yanny at ng namayapa nyang asawang si Fuji Akimoto? Nagka-anak ba si Yanny sa pangalawa nyang asawa?" Paulito

"Ha? Hindi ko alam. Pero di ba may 3 years old na batang inaalagaan si Yanny?" Anton

"Teka, nabalitaan ko noong nasa Japan ako, may babae daw na nagdala ng baby sa bahay nila Yanny 3 years ago. Isang taon makalipas ng paglipat nila sa Japan." Paulito

Habang si Vicente at Anthony (Papa Anthony) naman ay pinaguusapan ang kanina pang walang kibong si Vince.

"Vince, anak, halika nga dito." Tawag ni Vicente sa anak.

Lumapit naman ito sa may isang dulo kung nasan ang dalawang nakakatanda.

"Yes, dad?" sagot ni Vince.

"Anak, kanina ka pa tahimik. Hanggang ngayon ba hindi pa din kayo ok ni Odette?" tanong ni Vicente kay Vince sabay lingon sa direksyon ni Odette.

"Nah, dad. And I heard, he has a new boyfriend. And I guess it's Jin." malungkot nyang sagot.

Vince is such a brave person that even though he knew Odette and Marco's relationship before, he still struggled for Mr. Paulito and Mr. Anton's tests.

"But don't worry dad, I'm sure mahal pa din ako ni Odette." taas noo nyang sagot.

Tumayo si Anton at nag-motion sa kamay na lumapit na ang lahat sa table ulit para sa announcement ni Odette.

"Odette?" sabi nya.

Tumayo na din agad si Odette at ang lahat ay tahimik na nakaupo at nakatingin sa kanya.

YOU'RE STILL MINE (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon