Ch.8: daVince & tiffylaurent; Odette & Jin

2K 22 3
                                    

Chapter 8: daVince & tiffylaurent; Odette & Jin

[VINCE’S POV]

“WEH?! Si Odette naisama ni Jin sa Japan?” gulat na sigaw ni Zia.

“Oo nga! Ang kulit naman, Zi! Paulit ulit?!” iritang sagot naman ni Jun sa kanya.

Kanina pa sila nag-aaway dyan sa front seat. Tsk!

Bigla nalang dumating ‘tong dalawang ‘to sa bahay, sinusundo ako. Bonding daw sa bahay nila Lance – bonding na mamayang gabi magiging inuman.

Pero ang pinagtataka ko… bakit magkasama ‘tong dalawang ‘to? Hmm…

“TALAGA?!! Bakit naman daw? Anong idinahilan ni Akimoto at nakaladkad nya si Lopez dun?” Zia asked again.

“As usual, anong reason ba ang hindi matiis ni Lopez? Kesyo namimiss na daw ni Yuki si Od. At alam mo naman si Tita Yanny, botong boto pa din kay Od para kay Jin kaya naki-aya na rin.” So, what’s with the pause and view from the rearview mirror? “Eto namang si Odette, mukhang bumibigay na, at mukhang muling ibalik ang pagmamahalan nila ni Jin.”

Ah, parinig ba yun? -_-

Tch! Si Maria? Do they really think Maria would replace me easily? With that Jin kiddo? Tsk! Yeah right. -_- K, let’s say mas ma-appeal nga at mas chic magnet si Jin kesa sakin, but Maria doesn’t like those type of guys.

Hindi ba nila alam yun? Akala ko ba kaibigan nila si Maria?

“Oooohhh… Pero hindi yun bibigay! Sobra nya kayang mahal ‘tong manhid sa likod.” Zia winked at me from the passenger seat.

“Yeah right.” Sarcastic na lang na sagot ko.

“Tch! Ano ba yang pinagkakaabalahan mo sa phone mo?!” biglang inagaw ni Zia sakin yung cell phone ko. ><

K. Wala akong panahon at lakas makipag agawan sayo.

Kesa makipag agawan, nilagay ko na lang earphones ko sa tenga, and I played my ipod on shuffle.

“And if you’re out there try’na move on

But something pulls you back again”

Nice! Eto agad ang kanta. J

“I’m sitti—“hunyetas barabas nga naman oo! Deadbatt.

“New tweet from tiffylaurent. @daVince Yeah right. Childish brat. That’s why I’m your gf!I heard Zi reads from my phone.

Still… no energy. Too last.

“Basahin mo yung conversation!” sigaw ni Jun, akala mo naman ang layo ng kausap. -_-

“Okay wait. Eto, eto. Eto yung tweet ni Vince, Hey @tiffylaurent I’ve got a news. And I’m jealous. Sad face.” Zia reads again.

“Jealous? Si Vince?! Pfffff-hahahah! What’s new? Eh napaka-possessive nyan eh.”

“Yeah, I know. Duh! Pero di ba? Kay Od lang naman sya possessive? Does this mean..” medyo nag-tilt sya ng ulo para tignan ako, na tulala lang, kunware walang naririnig. Hah! May earphones naman eh, “..hindi na nya talaga mahal si Od?”

“Ewan. Aish! Basahin mo na lang yung iba para malaman natin. Try mong basahin yung direct messages!” dagdag ni Jin.

“Ay eto! You’re really wonderful. Kaya mahal kita eh! Si Vince ang nag-send kay Tif.” Sabi ni Zi.

YOU'RE STILL MINE (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon