Chapter 63: Nightmare
ODETTE'S POV
Kwarto ni Marco to ha?
Eto ang hospital room ni Marco. Bat ako nandito?
Alam ko nakabalik na ko sa Pilipinas.
"Odette. Hon" boses ni Marco!
Sinundan ko yung boses. Hinanap ko kung saan galing.
Nakita ko yung hospital bed. Nakahiga dun si Marco.
Nilapitan ko sya at hinawakan ko yung kamay nya.
"Marco, I'm here." sabi ko.
Nakita kong ngumiti sya nung nakita nya ko.
"Marco, I'm here." ulit ko.
"Hon" sabi nya kasunod non ay matamis na ngiti.
"Hon ka dyan?! Wag ka nga." bahagya ko pang pinalo yung braso nya. "Don't say that. Alam mo namang may BABE na ko di ba? Si Vince, ang fiance ko."
Lumungkot ang ekspresyon ng mukha nya.
"Aish. Para namang hindi mo alam?" sabi ko.
"Pero, Od, nakalimutan mo bang hindi ka nya pinagkatiwalaan? Nakalimutan mo na bang, hindi sya naniniwala sa pagmamahal mo sa kanya?" Marco
Bigla na lang tumulo yung luha ko.
"Odette, nakalimutan mo na ba lahat ng nabasa mo sa journal nya?" umupo si Marco mula sa pagkakahiga at pinunasan yung luha ko.
AAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH!
Bat ganon? Kanina ang liwanag! Ngayon biglang dumilim! Sobrang dilim! May parang spotlight lang na nakatutok sakin.
Nasan si Marco?
Ano yon?!
Puro boses ni Vince ang naririnig ko!
"nagawa nyang makipag-halikan sa lalaking dahilan ng pag-iyak ko sa US at UK"
"Pano ko masasabing mahal nga nya ako"
"Act as if she's seriously in love with me!"
"Mahal din naman nya ko. But I can't see it."
AAAAHHHHHHHHHH! Lahat ng naririnig ko, ayun yung laman ng journal ni Vince! Ang sakit sa tenga.
Di ko na mapigilang umiyak.
Bigla kong nakita yung mukha ni Vince, naka-smirk sya.
"Maria Odette Lopez, ikaw ang babaeng minahal ko hanggang sa huling hininga ko."
Hawak ko yung kamay ni Marco.
-toooooot- -tooooooot- -tooooooot-
Napatingin ako sa gilid ng hospital bed.
Nakita ko yung device na nagpapakita ng heartbeat ni Marco. Dumidiretso na!
Nakita ko yung mga doctor na sinusubukan syang i-revive.
Nakahinga ako ng maluwag nung nakita kong bumalik sa normal yung heartrate ni Marco.
Lumapit ako sa kanya. Dumilat sya at tinignan ako.
Hinawakan ko yung magkabilang pisngi nya.
"Akala ko iiwan mo na ako e--" di ko natapos yung sasabihin ko dahil bigla nyang hinawakan ng mahigpit yung kamay ko.
Sa sobrang higpit, nakakalmot na nya.
"AAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! ULO KO!!!" sigaw nya.
Makikita mo sa mukha nya ang sobrang sakit ng nararamdaman nya.
BINABASA MO ANG
YOU'RE STILL MINE (Book 2)
HumorYou want him back. And you'll do everything to have him. Pero pano kung may kapalit ka na pala? Pano kung may mahal na syang iba? Maglalakas loob pa din si Odette na ipaglaban si Vince. She owns him. Kahit pa isang superstar ang karibal nya. She sti...