Chapter 45: Invitation (Wedding)

1.8K 26 0
                                    

Chapter 45: Invitation (Wedding)

ODETTE'S POV

"Final round guys! Then uwi na tayo!" sigaw nung musical scorer namin.

Bukas na ang Concert kaya naman lahat ng magpe-perform na bands at singer ay andito sa school kasama namin sa VR. Medyo pagod na din ako dahil buong araw na kaming kumakanta dito.

We're with the V Boys of course, Calla Lily, Not so fast, Sam C and our band.

At kanina pa kaming dalawa magkasama ni Kean. Pag hindi kami ang kakanta, kaming dalawa lang naguusap. Muahahaha. Ay may chikka ako! Ang gwapo ng vocalist ng Not so fast. So prince like! :")

Anyway, ayun na nga, nag-last round na. Buti tapos na ako. :)

*KRIIIIIING*

I checked my phone.

Vince Marcelo KO Calling…

[Babe.]

Wow ha! Maka-babe tong isang to!

"Babe ka dyan?!"

[Babe, punta ka dito sa bahay after ng rehearsal nyo ha? Magiinuman sila sa inyo eh.]

WHAAAAAT?! Pakisabing mali lang ng pagkakasabi si Vince. Pinapapunta nya ako sa kanila dahil magiinuman sila samin? Ok? Hindi malinaw!

"Kung magiinuman sila samin, edi dapat ikaw ang pumunta samin? Di ba?" I said with full of doubt

[Hahaha! I knew it. I knew you would think I chose the wrong words. Tama ang lahat ng narinig mo. Sa inyo sila magiinuman, kaya dito ka pupunta samin. Para masolo kita, ok?]

"May binabalak ka no? Ayoko! Uuwi na lang ako."

[Babe naman eh… Dali na?]

"Od, coffee muna tayo bago kita ihatid ha?" sabi sakin ni Kean sabay upo sa tabi ko.

Nag-nod naman ako sa kanya at binalikan si Vince.

"Ikaw maka-babe talaga eh no? Ayoko nga, baka rape-in mo pa ko!"

[Di rape tawag dun! Making love.]

"Out of nothing at all. Ayoko! Magpapahinga na lang ako and remember, may concert ako bukas!"

[Eeehhhhh… Babe, sige na.]

"Tantanan mo ko sa kaka-babe mo ha! Hindi mo ko girlfriend! Isumbong kaya kita sa girlfriend mo?!"

[Ay nako! Sige, susunduin na lang kita dyan para walang kawala.]

Err. Naku, aalis na lang ako agad!

Binabaan ko na lang sya ng phone. Kung maka-babe! Kaasar. Kinikilig ako eh! Di ko tuloy mapigilang ngumiti ngayon! Vince naman eh! He really never fails to make me fall in love all over again.

Nagulat na lang ako ng sumulpot sa harap ko ang pagmumukha ni Kean!

"Ay baklang kambing ka!" nasabi ko.

"Kinikilig amputek! Pakipot pa gusto namang maka-make love out of nothing at all si Vince!" pangaasar ni Kean.

Ay bwiset. Pero the way he say that, ang beki talaga! HAHAHAHAHAHA. Sinalpak ko na lang yung palm ko sa mukha nya and I gently pushed him away.

"Hoy Cipriano, nga pala. Maaga tayong umalis ha? Baka pumunta si Vince dito eh." sabi ko nang umakyat kami sa may stage.

"Bakit? Ayaw mo ba syang makasama?" kinuha na ni Kean yung mic nya.

"Ay nako! Kung alam mo lang kung gano ko kagusto tumabi don habang buhay no! Pero, alam mo, umiiwas muna ako hangga't hindi pa sila break ni Nie." sagot ko habang sinusuklay ko nang kamay ang buhok ko.

YOU'RE STILL MINE (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon