Chapter 29: Tutor
ODETTE'S POV
Hinatid na lang ako ni Jin sa bahay nila Vince. Ang arte kasi ni Vince eh! Pwede namang sa school library na lang magturuan, gusto dito pa sa bahay nila! >0<
"Huy! Bumaba ka na kaya. Naghihintay na yung tutor mo!" eto namang boyfriend ko pinagtutulakan pa kong magpa-tutor na!
Naiinis na nga ako sa kanya eh. Laging ok lang sa kanya na magkasama kami ni Vince. In fact, minadali nya ang aming pagkain kanina para lang maihatid na ko dito.
"Fck you Jin! Girlfriend ba talaga tingin mo sakin?! Bat pinagtutulakan mo ko sa ex ko?" sigaw ko. Di ko na napigil eh.
Nginitian lang ako ng loko. Tapos hinawakan nya yung kamay ko.
"Fck me? Ayokong kunin ang virginity mo! Some other man deserves that." sabi nya habang hinahalikan ang kamay ko.
Gosh! Di ko keri mga sinasabi neto. ><
"Bastos ka talaga!" tapos binawi ko na yung kamay ko!
"Hahaha. Joke lang, hon." then hinila nya yung arms ko pati katawan ko to lean on him. And he hugged me. "Malay mo kasi, di mo matiis si Vince, tapos balikan mo, di ba? Tinitignan ko lang."
Humarap ako sa kanya at tinignan sya sa mata.
"Jin, wag mo namang iparamdam sakin na hindi ako welcome sa puso mo. Sa mga ginagawa mo feeling ko lagi mo akong pinagtatabuyan eh." Me
Totoo naman kasi. Feeling ko hindi nya ako gustong maging girlfriend dahil sa mga ginagawa nya.
Hinalikan na lang nya ako sa noo at napatingin ulit ako sa kanya. He was smiling a killer smile.
"Sorry. Hindi ko na uulitin. Promise. I love you, Od." he said.
Awwww…. Ewan ko ba pero bigla akong na-touch nung nag-I love you sya sakin. Parang ramdam na ramdam ko yun.
I gave him a peck on the lips and went out of the car eagerly.
*
Pag pasok ko sa bahay nila Vince, nadatnan ko syang pawis na pawis at nagmamadaling tumatakbo mula sa kung saan. Napahinto sya nang makita ako.
"O-oh? M-m-maria, andyan ka na pala." nauutal nyang sabi.
"Ay wala pa! Picture ko lang to. Ts." pambabara ko.
"Are trying to hit a joke?" he said.
"Whatever! Pwede simulan na natin kasi katingkati na ko makasama ulit ang BOYFRIEND ko!" sigaw ko at tsaka umupo sa couch.
"..katingkati na ko makasama ulit ang BOYFRIEND ko! NYE NYE." he mimicked.
I rolled my eyes then he entered his room.
Nagbasa muna ako ng magazine dun sa living room habang hinihintay sya.
Maya maya pa, dumating sa living room si Mr. Paulito, ang lolo ni Vince.
Napatayo ako at nag-greet.
"Good afternoon po, Sir Paulito." with matching sweet smile pa!
"Sir Paulito? Haha! Call me Lolo Lito." he said then he sat on the opposite couch. "Have a seat."
Umupo na lang ako.
Sir-- I mean, Lolo Lito seems to be a really nice guy. Pero nakakatakot din sya kung minsan. Parang si Lolo Anton lang!
"Nag-bago na ba ang isip mo at makikipag-balikan ka na sa apo ko?" he started.
Haluuuuh? Naku po! As they've said, hindi nga sila nawawalan ng pag asang magkabalikan kami ni Vince! Tsk tsk.
BINABASA MO ANG
YOU'RE STILL MINE (Book 2)
MizahYou want him back. And you'll do everything to have him. Pero pano kung may kapalit ka na pala? Pano kung may mahal na syang iba? Maglalakas loob pa din si Odette na ipaglaban si Vince. She owns him. Kahit pa isang superstar ang karibal nya. She sti...