Chapter 6: If You Ever Comeback~
[ODETTE’S POV]
Turn na daw namin. Medyo okay na ‘ko eh, kaso… here comes the feeling again.
“C’mon?” he invited.
Tatayo ba ‘ko at pupunta dun sa stage at magpe-perform sa mga walang kwentang tao, o hindi? Urgh! Ayoko talaga eh. Nawalan na ‘ko ng gana sa pesteng surprise—fail surprise.
Tumayo ako, syempre. Pero lalabas na sana ako, kaso hinila ako ni Lance.
“Huy! Ayun ang stage, hindi dyan. Medyo tanga?” pambabara pa ni Lance.
“Ay leche! Ayokong kumanta.” I get rid of his tight grip pero hinuli nya pa rin ako at hinila sa stage.
“Leche ka rin! Umayos ka! Yari tayo kay lolo pag nalamang hindi tayo sumipot sa dapat gawin!”
“Eh! Ayoko nga eh! Wala naman si Vince!” >3<
“May magagawa ka ba kung wala yung tao? Anong gusto mo? Kaladkadin ko si Vince pabalik dito? Hilahin ko yung speaker sa tenga nya nang marinig ang kanta mo?” bat di mo try?
“OO! Kaya mo?!” sigaw ko sa kanya. Ambobo, mambabara na lang yung supalpal pa.
“Hinde.” Mahina nyang sagot.
“Pwes ayoko. A-YO-KO!!!” hinila ko yung braso ko sa kanya pero bigla naman nya akong hinila at hinagis sa stage, sa harap ng mic. Sapilitan ‘te?
Wala na ‘kong nagawa. Nag-cheer na yung students nung lumabas ako eh, lalo na si Lance. Nasa drums na si Ivan, si Jun naman naka-ready naman sa guitar, at si Lance naman ay pumwesto na sa bass. Tsk! Mga pa-cute.
Syempre, hiyawan ang freshmen, especially those girls. Tsk!
Lumapit sakin si Lance at inabot yung mic.
“Ayoko.” Matigas kong sabi.
“Tutuktok ko ‘to sa ulo mo!” akmang papalo nya na sa ulo ko yung mic pero nahablot ko na sa kanya.
Inaayos pa yung speakers and ampli kaya lumapit muna ako kay Ivan.
“Ayos ba mata ko?” tanong ko kay Ivan.
Tinitigan nya ako bago nagsalita, “Hmm… Pwede na. Huhulaan lang siguro nila kung ilang sibuyas nahiwa mo.” Tsaka sya seryosong nag-ayos ng drums.
*guitar strum*
“Wooo!!!!!” tilian naman ang mga babaita nung nag-strum si Jun ng guitar. Anbayan! Kala naman nakakakilig yun! Pffft.
“Nakakayam-- *DUNG DUNG DUUUUNG* Fucker!”
Bwisit ‘tong si Ivan! Kakausapin ko pa lang sya, bigla naman naghampas sa drums! Potek, sakit sa tenga. Napa-atras tuloy ako.
Sinenyasan na rin ako ni Lance na pumwesto sa may mic stand, no choice, I just did. Instrumentral intro pa lang nilalakihan ko na sila ng mata. Mga bwiset!
But I stepped back nung lumapit si Jun sa’kin while he’s romantically strumming his guitar. Natakot naman ako di ba, BV sya saken?
“Tingin ka sa may door 1, left side.” Bulong ni Jun sakin, before I started singing the first line…
“If you’re standing with your suitcase,
But you can’t step on the train…”
![](https://img.wattpad.com/cover/865302-288-k78756.jpg)
BINABASA MO ANG
YOU'RE STILL MINE (Book 2)
HumorYou want him back. And you'll do everything to have him. Pero pano kung may kapalit ka na pala? Pano kung may mahal na syang iba? Maglalakas loob pa din si Odette na ipaglaban si Vince. She owns him. Kahit pa isang superstar ang karibal nya. She sti...