Chapter 46: Surprises

1.8K 55 9
                                    

Chapter 46: Surprises

ODETTE'S POV

"Vince, ano ba to?" reklamo ko kay Vince.

Kasi naman, piniringan nya ako ng mata nung makarating kami sa room nya. Natatakot na ko dahil sa sinabi nya kanina eh. Yung making love out of nothing at all.

Tapos nakakaamoy pa ako ng… *sniff sniff* Rose petals. Basta! Yung amoy dito sa room nya, amoy romantic!

Wow! May amoy pala ang romance? Bago yun ha!

"Wag kang mareklamo! You're being brat again! Just wait, inaayos ko lang yung kama ko!" Vince

Err. Bakit ba ang green ng naiisip ko sa sinabi nya?! Kasi may nalalaman pang making love out of nothing at all eh! Fan ba sya ng Air Supply?! Buti kung David Pomeranz eh, para got to believe in magic ang drama namin! MUAHAHAHAHAHXD

"Teka, lang Maria. Papatayin ko lang yung ilaw para mas masaya." sabi nya. At sa tingin ko, dumaan sya sa side ko dahil naramdaman ko yun!

Natatakot na ako sa sinabi nya. Papatayin ang ilaw para mas masaya? Err! Ayoko mang isipin pero yun talaga pumapasok sa utak ko eh!

What if, what if pag tanggal sakin ng piring ni Vince, topless na sya? Or worse, naka-boxers lang sya? Worst! What if, total naked na sya?! WAAAH.

Panginoong Hesukristo. Alam ko pong mga kasal lang ang dapat gumagawa neto pero sana, layuan ako ng tukso!!!

"Babe…" naramdaman kong nasa likod ko na sya. Hanggang sa unti unting humahapit sa bewang ko ang kamay nya.

Unti unti, nakayakap na sya mula sa likuran ko.

Last time I checked my watch, 9:30 na. That was when we left our house, one hour from now I think? So 10:30 na? Oh god.

Tinatawag ko na ang presensya ng lahat ng santo! Sana pag mulat ng mata ko, umaga na! At nasa kwarto ko lang ako. Sana panaginip lang to. Ay hinde, bangungot! Bangungot to!!!

"Babe, bat parang pinagpapawisan ka? Naiinitan ka na ba? Let's remove your cardigan." he said in his husky sexy voice! And he started pulling slowly my cardigan.

But I stole it away from his hands and buttoned it on the tummy part. Mahirap na baka magawan ako ng masama neto!

"Vince. Tigilan mo na tong kalokohang to ha! Hindi na ko natutuwa!" sigaw ko.

Pero bumaba nanaman yung kamay nya sa waist ko and he hugged me from behind. Naramdaman ko din yung ulo nyang pumatong sa balikat ko. And now, I can feel his warm breath. Hanggang sa… Labi na nya ang naramdaman kong dumampi sa leeg ko!

Oh gosh! Lord, patawarin nyo po itong lalaking to. Masyado nya lang akong mahal!

"Babe, pinagpapawisan ka talaga." ayan nanaman yung seductive tone nya.

"V-vince! Tantanan mo na ako! H-hindi na t-talaga nakaka-nakakatuwa! Tatang--"

Before I finished my sentence, he removed my blindfold using his mouth I think coz he never removed his arms around my waist but his head was lost on my shoulders.

O_O

Di ako makapaniwala sa nakita ko!

Yes, the room was dark. But the lights that lit the room are the two lampshades on the side table. And… The Christmas Lights that were hanged above the headboard of the bed- which is designed with the words,

'I love you,

Maria'

Color pink lang ang mga lights na nagsusulat ng sweet words na yun in cursive form! Ang romantic tignan.

YOU'RE STILL MINE (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon