A/N: Dedicated ko naman ito sa aking Mash! I miss you Mash Bianxx! :""> Nuxx, nakikisali ka na sa kaadikan ni Ima dito ha. :) I love you, treat mo ko!
Chapter 62: Critical heart
VINCE'S POV
AAHHHH! Nakakabingi.
Ang sakit sa ulo ng mga naririnig ko!
Gulong ng stretcher, mga taong nagpa-panic, mga nagsisigawang mga doktor at nurses, AAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHH!
Sa harap ko, binaba nila si Maria na nakahiga sa stretcher. Lahat ng nurse chine-check si Maria.
Tinulak na yung stretcher na hinihigan nya papasok ng ER. Sinundan ko lang sila.
"Sir, hanggang dito na lang po kayo." hinarang ako nung babaeng nurse.
"Nurse, hindi mo ba ako nakikilala? Ako si Vince Alvarez! Kilala mo yung gagamutin nyo? Si Maria Odette Lopez yun! Papasukin mo ko!!!" niyugyug ko pa sya sa sobrang tense ko.
"Alam naman po namin kung sino si Ms. Lopez, at alam po namin kung sino kayo pero hindi po talaga kayo pwede sa loob. Maghintay na lang po kayo dito." tsaka na sya pumasok.
Wala na kong nagawa.
AAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!
Naiinis ako sa sarili ko! Hinayaan kong magkaganon si Maria?!
Wala akong nagawa! Nabundol sya ng isang van dahil sa katangahan ko!
Napaka-walang kwenta ko!
Dyuskopo. Sana walang mangyaring malala kay Maria Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Iligtas nyo sya. Ako na lang kunin nyo!
Maria, alam ko kinamuhian mo ko nung sinasabi ko sayo dati to pero eto ang gusto ko sayo. Maria, lumaban ka, please? Lumaban ka.
Hindi ko kakayanin pag nawala ka sakin. Maria, please?
Mahal na mahal kita. Hindi ko akalaing ganto ang kahihinatnan ng gusto kong mangyari.
Maria, please?
Maria, fight. Fight for your life.
"Vince!" halos mahulog ako sa sumigaw. Nagising ako.
Nakita ko ang ilan sa barkada. Nakatayo silang lahat sa harap ko.
"Vince, wake up. Gising na." tumabi si Zia sakin at ni-rub ang likod ko na parang kino-comfort ako.
"Maria? Nasan si Maria?" napasugod ako sa pinutan ng ER at kinalampag yon.
Pero hinabol nila ko at pinigilan sa ginagawa ko.
"Vince, tama na." Aly
"Anong tama na? Si Maria?! Nasan si Maria?!!" ako
"Vince, calm down, tapos na yung operation, kanina pa." sabi ni Henry sakin.
"Nasan sya?" ako
"Nasa private room na sya. Natutulog." Aly
Buti naman. Pero, hindi pa din ako mapanatag. Pano kung may masamang epekto kay Maria yon?
Pumunta na din kami kaagad sa room na sinasabi nila. Malaki yung kwarto na parang hotel na. May couch, tv, ref, at malalaking ilaw.
Naluha ako nung makita ko si Maria. May benda yung ulo nya at may para sya sa may labi. Naka-dextrose sya at namumutla pa din sya. Kasalanan ko to!
"Hintayin na lang natin syang magising. Please, let's not disturb her. She needs a lot of rest too, para na din sa asthma attack nya." sabi nung doctor na nagche-check kay Maria.
BINABASA MO ANG
YOU'RE STILL MINE (Book 2)
HumorYou want him back. And you'll do everything to have him. Pero pano kung may kapalit ka na pala? Pano kung may mahal na syang iba? Maglalakas loob pa din si Odette na ipaglaban si Vince. She owns him. Kahit pa isang superstar ang karibal nya. She sti...