Other 3

10.8K 85 5
                                    

Coraline at the side..

______________________________

Tahimik kaming kumakain sa harap ng Hapag Kainan, Wala si Dad hindi pa umuuwi simula nung nag-walk out kagabi. Walang kibuan, walang ngitian at walang kwentuhan. Hindi ako sanay sa ganito, Three months ago before i left ayos naman ang lahat we eat happily at walang kulang pero ngayon hindi kami nagkikibuan and i know Coraline is having a hard time hindi lang naman siya ako din naman pero alam kong mas mahirap sa kanya dahil matagal na siguro niyang alam hindi lang siya nagsasalita.

“Cornelia, Coraline.”tawag ni Mom sa aming dalawa ni Coraline kaya naman tumayo ako, Ganoon din si Coraline.

“Una na po ako, Tara Little Sis sabay ka na sa akin.”sabi ko kay Coraline at naglakad kami palabas ng Dinning Room ng napatayo si Mom.

“May problema ba?”tanong ni Mom sa amin at hinarangan kami palabas ng Dinning Room. Napalunok ako ng laway ko, Never pa naming nasagot si Mom pero siguro eto ang First time.

“Wala naman po Mom, Sige po una na kami.”sabi ko at tinitimping huwag masagot si Mom, Hinawakan ni Coraline ang kamay ko at sabay kaming naglakad palabas ng Dinning Room ng magsalita si Mom.

“Dahil ba ito sa away namin ng Daddy niyo?”sabi niya at yung tono niya parang inosente siya kaya naman nasaktan ako. Hindi niya ba naisip yung nararamdaman ni Dad?

“Coraline mauna ka na sa kotse susunod ako.”sabi ko sa kapatid ko at tinignan niya muna kami ni Mom bago siya lumabas papunta sa Garage.

“Cornelia sabihin mo naman sa akin yung problema para magkaintindihan tayo.”sabi ni Mom at hinawakan ang kamay ko habang nakatingin sa akin pero ako nakatingin lang kay Mom at tinatanong ko ang sarili ko, Kung bakit kailangan mangyari ito? Bakit kailangan masaktan si Dad? Bakit kailangan mahirapan kaming dalawa ni Coraline?

“Cornelia please lang kausapin mo naman ako, Sabihin mo yung problema.”sabi ni Mom kaya hindi na ko nakapagtimpi.

“Mom hanggang kailan niyo ililihim sa akin? Hanggang kailan niyo ililihim sa aming dalawa ni Coraline na may kabit kayo.”pagkasabi ko nun nanlaki ang mata ni Mom at halatang nanigas siya sa kinatatayuan niya. Pinipigilan kong maging emosyonal sa harapan ni Mom.

“Mom kailan pa? Kailan mo pa kami niloloko nila Dad? Kailan mo pa niloloko ang pamilya mo?”tanong ko kay Mom at yayakapin niya sana ako pero lumayo ako sa kanya.

“No, Gusto kong malaman ang sagot Mom. Tell me! May karapatan naman akong malaman di ba? Pamilya ko ang pwedeng masira Mom.”sabi ko kay Mom, Napakagat si Mom ng lower lip niya at halatang kinakabahan din siya.

“Cornelia paano mo nalaman?”tanong ni Mom, Naguguluhan siguro siya pero gusto kong malaman ang sagot.

“Mom ako ang sagutin mo. Mom kailan pa?”tanong ko sa kanya at parehong bumagsak ang luha sa mga mata namin. Hindi ko na kinaya ang emosyon ko.

“A month.. after.. after you left.”sabi ni Mom kaya napahagulgol ako sa sinabi ni Mom, I can’t help but to sob with her words.

“Two Months ago pa yung relationship niyo?”naiiyak kong sabi kay Mom, Napahawak ako sa noo ko. Matagal na palang sira ang pamilya hindi ko lang alam.

“Cornelia Listen to me.”sabi niya napatawa naman ako ng sarcastic. Listen to her? She ruined her own Family, Our Family.

“Cornelia i am so sorry hindi ko naman sinasadya mahal ko siya, Mahal n-”pinutol ko si Mom dahil sinasabi niyang hindi niya sinasadya? Hindi raw niyang sinasadya! I gasp for air dahil hindi na ko makahinga.

My Guy (series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon