Official 17

5.3K 102 6
                                    

Maaga akong umalis ng bahay dahil sa mga aasikasuhin sa Couture, May ilan akong appointments na nadagdag bukod sa meeting ko with Mr.Sy regarding sa utang ng Couture. Naabutan ko pa si TJ na inaantay ako sa labas ng bahay habang nakasandal sa sasakyan niya.



“Oh papasok ka na rin?”tanong ko sa kanya at umiling siya sa akin bago ako sinagot.



“Hindi ihahatid kita sa Couture, Sabi ko nga sa iyo i will find ways para magkasama tayo ngayon.”sabi niya sa akin saka ako tinulungan sa dala ko para pagbuksan ako ng pinto. Napangiti na naman ako sa pagiging gentleman ni TJ. Ang aga-aga niyang magpa-kilig mamaya niyaan masanay na ako.


Habang nagmamaneho siya papuntang Couture naalala ko kung wala ba siyang trabaho pero dahil sa may dinaanan kaming Coffee House nakalimutan kong magtanong sa kanya at nagpahinto para bumili ng kape.



“Hindi ka kumain ng breakfast?”tanong niya sa akin habang naglalakad kami papasok sa loob ng Coffee House.



“No time saka late na rin ako kaya kape na lang ang iinumin ko.”sagot ko sa kanya pero agad siyang sumimangot sa sinabi ko. Nagtaka naman ako sa pagsimangot niya, Nang makarating kami sa Counter agad akong umorder ng kape ko.



“Add a muffin and clubhouse sandwich, Please?”sabi ni TJ sa babae kaya naman napatingin ako sa kanya na nagtataka pero tinitigan lang niya ako ng seryoso.



“You need to eat your breakfast, Baka kabagin ka kung kape lang.”napangiti naman ako sa sinabi niya. Kung iyon lang naman pala ang kinasisimangot niya edi go kakainin ko iyan.


Pagka-abot ng order namin ni TJ ng cashier girl na talagang ipinakita pa sa akin ang pag-tuck niya ng buhok niya sa likod ng sariling tenga. Pinandilatan ko siya at inirapan bago ko hawakan ang kamay ni TJ. Grabe lang, Nakitang nasa tabi na nga ako ni TJ ang lakas pa ng loob mag-pacute.



“One of these days talaga pakakasalan na kita, Ang lupet mo palang mag-selos.”sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto ng Coffee House habang palabas kami. Ngumisi naman ako sa kanya lalo na nang pagsalikupin niya ang kamay naming dalawa.



“Matuto kang magpropose.”sabi ko sa kanya at hinalikan ko ang pisngi niya bago ako pumasok sa kotse niya na binuksan niya para sa akin.



“Propose? Kailangan pa ba ‘nun? Nandyan na si Trick.”sabi niya pagpasok niya sa loob ng kotse. Sinimangutan ko siya at tinignan ko siya ng hindi makapaniwala. Seriously? Hindi siya magpro-propose?

“Sigurado ka? Hindi ka magpro-propose?”medyo may halong asar yung tono ko pero pinilit kong ayusin ang mukha ko dahil ang aga-aga niyang mang-inis.



“Ewan.”sagot niya sabay ngisi kaya naman inayos ko na lang ang pagkaka-upo ko at tumingin sa labas. Shet ka Tristan James! Akala ko pa naman puno ng sweet bones ang katawan mo, Simpleng pag-propose lang hindi ka pa sigurado.


Hindi ba alam ng lokong ito na lahat ng babae dumadating sa point na sobrang nage-expect ng effort sa proposal? Napa-iling na lang ako sa frustration. Kumain na lang ako at binaling sa pagkain ang asar ko kay TJ.

Hanggang sa pagdating naming sa Couture hindi nawala yung asar kong aura kay TJ. Dumagdag yung inis ko sa kanya nung lumabas siya ng kotse niya at sinundan ako papasok sa loob ng building ng Couture.



“Wala ka bang gagawin at nandito ka? Hindi ka ba busy?”tanong ko kay TJ at may halong irita ang tono ko. Hindi ko na naitago sa kanya ang pagka-inis ko sa kanya at nahalata na niya ata iyon dahil nagsalit ang taas ng kilay niya habang nakangising nakatitig sa akin.



“Para sa iyo hindi ako magpapaka-busy, Halika nga dito para mabawasan ang asar mo.”sabi niya at hinatak ako para yakapin. Nanlaki naman ang mata ko habang nakapulupot ang mga braso niya sa likuran ko. Shet lang! Mabuti na lang at wala pang masyadong empleyado dito kung hindi magkakaroon ako ng issue.



“TJ.”tawag ko kay TJ pero imbes na bumitaw siya hinigpitan pa niya ang yakap niya sa akin. Naramdaman ko ang hininga niya sa bandang leeg ko kaya naman agad na nagtaasan ang balahibo ko sa katawan.



“Mahal na mahal kita Cornelia, Tandaan mo iyan.”bulong niya sa akin kaya naman biglang nawala yung inis ko sa kanya at napangiti ako sa kilig. Inangat ko ang dalawang braso ko at pinulupot ko sa bewang niya.



“Mahal na mahal din kita, TJ.”sagot ko sa kanya habang nakangiti. Yumakap pa siya ng mahigpit bago ako bitawan at hinarap pero yung dalawang braso ko nakapulupot pa rin sa bewang niya.



“Hindi ka na asar sa akin?”tanong niya kaya naman mabilis akong umiling sa kanya at lumapit sa kanya para yakapin ng mahigpit.



“Hindi na, Ikaw kasi ang galing-galing mong mang-asar tapos bigla kang manlalambing.”sabi ko sa kanya at natawa naman siyang hinalikan ako sa noo bago ako yakapin muli.



“Trust me, Cornelia. Akong bahala sa’yo just wait for the proposal.”bulong niya saka bumitaw sa yakap at pinagsalikop ang kamay naming dalawa. Natigilan ako sa sinabi niya at tinignan ko siya ng maintindihan ko ang binulong niya sa akin.



“Tara na Miss Minchin, My mais.”sabi niya sa akin kaya naman imbes na samaan ko siya ng tingin dahil sa nagsisimula na naman siyang mang-asar, Hinigpitan ko na lang ang hawak ko sa kamay niya.


Nauna siyang maglakad habang hawak-hawak ang kamay ko hanggang sa makasakay kami sa elevator at makarating sa office ko. Habang inaasikaso ko ang mga gagamitin sa meeting mamaya para sa launching ng next season.



“Ilan ang meeting mo ngayong araw?”tanong ni TJ sa akin kaya naman napatingin ako sa kanya. Napaisip ako ilan ba meeting ko?



“Hindi pa ako sure pero ang alam ko bukod dito sa meeting ko with my employees, May meeting din ako ngayon with Mr.Sy regarding sa utang ng Couture.”sagot ko kay TJ at napatango naman siya habang may kinakalikot sa phone niya. Lihim naman akong napatawa dahil kamukha niya si Trick na focus na focus sa psp niya pero si TJ naman phone niya ang kinakalikot.



“Bakit mo naman natanong?”tanong ko naman kay TJ na sobrang busy sa pagkalikot ng phone niya. Sumulyap siya sa akin sandali bago ibalik ang focus niya sa phone niya.



“Wala lang.”sagot niya sa akin habang may kinakalikot talaga sa phone niya. Inilingan ko na lang siya at inasikaso ko ang gagamitin sa meeting mamaya.


Nire-review ko ang mga papeles nang maririnig ko ang frustrated sigh ni TJ. Napatingin ako sa kanya na umayos ng upo sa sofa ng office ko at hindi natitinag ang focus niya sa pagkalikot ng phone niya. Napatingin ako sa glass clock na nasa desk ko at thirty minutes na siyang ganyan.


Pinagmasdan ko lang ang reaction ni TJ habang kunot ang noo, Ano bang pinagkakaabalahan nitong lokong ito at hindi matinag ang focus? Parang si Trick lang eh. For the second time inilingan ko siya at ibabalik ko na sana ang atensyon ko sa mga papel ng may marinig akong strange sound na mula sa phone ni TJ at ang frustrated sigh niya.


Napa-hilot siya sa noo niya bago ulit bumalik ang focus sa phone niya at kunot-noong kinalikot muli ang phone niya. Naisip ko tuloy na baka nagtatrabaho siya kaya naman nilapag ko ang hawak kong papel sa desk ko at tumayo ako para daluhan si TJ dahil baka may masakit na sakanya.


Pagdating ko sa likuran niya imbes na hilutin ko ang noo niya binatukan ko na lang siya. Anak ng..



“Aray naman Mais! Bakit mo ko binatukan?”tanong niya sa akin habang hawak ang batok niya at nakita kong naasar siya sa akin dahil mukhang nag-times up ang nilalaro niya sa phone niya.



“Akala ko nagtatrabaho ka dahil busy ka sa pagkalikot ng phone mo iyon pala naglalaro ka lang?”may halong asar na sabi ko sa kanya at natawa naman siya sa sinabi ko kaya naman inirapan ko na siya.



“Ang tagal mo kasi saka bored ako kaya naglaro na lang ako ng 2Fuse.”sabi niya kaya naman napa-role eyes ako. Narinig ko ang pagbungisngis niya at hinatak ako kaya naman napa-upo ako sa lap niya.



“2Fuse? Tss.. TJ kung maglalaro ka lang umalis ka na dahil maya-maya pa magiging mas busy pa ako.”sabi ko sa kanya at umiling siya sa akin, Halatang nagpa-pacute siya. Pinulupot pa niya ang dalawang braso niya sa bewang ko at instincts ko na yumakap pabalik sa kanya kaya pinulupot ko ang dalawang braso ko sa leeg niya.



“Dito na lang ako.”sabi niya sa akin kaya naman napailing na lang ako habang nakangiti. Nilagay ko ang palad ko sa pisngi niya at tinitigan ko siya sa mata.



“Okay, Fine Mr.Gonzales.”sabi ko sa kanya at hinalikan ko muna siya sa labi bago ako tumayo. Pagka-upo ko sa swivel chair ko may naalala ako.



“Nga pala TJ, Sa tingin ko alam ko na kung kanino nag-mana si Trick.. Sa iyo.”at napangisi siya sa sinabi ko bago ko ibinalik ang atensyon ko sa mga papel.


Maya-maya pa kumatok ang secretary ko na nasa Conference room na raw ang lahat. Kaya kinuha ko ang mga papers para sa plano sa launching ng next season. Pagkalabas ko naiwan si TJ na naglalaro ng Confuse, 2fuse or what? Basta iyon na.


After ng meeting namin with our few Designers na halos umabot hanggang lunch dahil marami kaming pinlano. Nagbalak pa kami na mag-hire pa ng mga Designers para sa Couture Philippines. Pinag-isipan pa naming maigi kung ano ang gagawin para sa next launching, Siyempre naka-connect sa amin ang ilan sa branch ng Couture sa Asian Country habang tinetape naman ang meeting para sa Europe and US branches.


Naiwan kami nila Guia at Shiela sa loob ng Conference room habang inaantay naming si Mr.Sy para i-discuss ang tungkol sa utang ng Building. Halos sabay na pumasok si TJ at Mr.Sy sa loob ng conference room.



“Good noon Mr.Sy, I am Crea Fuentabella the owner of Couture Clothing Line.”pakilala ko kay Mr.Sy at inabot ko ang kamay ko para makipagkamay sa kanya. Kinuha naman niya ang kamay ko at nakipagkamay sa akin. Matanda na si Mr. Sy kung titignan nasa 50 plus na siya, Mukha siyang pure chinese.

“Let’s sit down.”sabi ni Shiela at umupo kami, Binalingan ko si TJ at binulungan.



“Anong ginagawa mo dito?”bulong ko kay TJ na umupo sa tabi ko. Nahuli ko pa ang mga panlolokong tingin ni Shiela at Guia sa akin kaya pinandilatan ko sila ng mata habang nakikipag-usap sila kay Mr.Sy.



“Ihahanda ko lang yung lawyer kung sakaling hindi pumayag si Mr.Sy tungkol sa utang ng building niya para makapag-file tayo ng lawsuit.”bulong sa akin ni TJ at umayos siya ng upo. Nagkaroon ng konting discussion bago namin nalaman ang lahat. Hindi rin pala nila alam, Grabe hindi sinabi nung namatay niyang kapatid na may utang ang building niya?



“Hindi na kailangan umabot demandahan, Hindi ko alam na may utang aking kapatid kaya ako na bayad utang building.”sabi ni Mr. Sy sa amin na medyo hirap magsalita ng tagalog. Tumayo siya at ganoon din si TJ.

“Thank you very much Mr. Sy, We will not cancel the contract anymore and the line will not file a lawsuit.”sabi ni TJ kay Mr.Sy na sumali kanina sa discussion, Siya rin ang nag-suggest ng lawsuit kung sakaling hindi papayag si Mr. Sy na magbayad ng sarili nilang utang dahil ipapasa nila sa amin.

“Salamat din, Goodluck inyong business!”sabi ni Mr. Sy matapos makipag-kamayan kay TJ. Nang-asar naman sina Shiela at Guia dahil kay TJ. Siya ang nag-settle ng gulo sa Building ng Couture, Ngayon yung sa Pabrika na lang ang kailangan kong ayusin.

“I-send mo sa email ko yung mga letter mula sa Pabrika ng Couture tapos pupunta ako doon bukas matapos kong i-review yung problems para makita ko kung ano ba yung mga problema doon.”sabi ko sa secretary ko at binigyan ko pa siya ng instructions sa ibang gagawin.

“Yes ma’am.”sabi niya bago lumabas ng Conference room. Tinignan ko si TJ na prenteng-prente na nakasandal sa upuan, Lumabas na si Shiela at Guia habang tumatawa.

“So thank you sa tulong as in thank you very much and wala ka ba talagang trabaho?”tanong ko sa kanya at tumawa naman siya, Hinatak niya ako at kinandong sa hita niya.

“Bakit parang pinapaalis mo na ako matapos kitang tulungan?”tanong niya sa akin na matawa-tawa kaya naman inilingan ko siya, Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin.

“No not that i mean hindi ka ba busy sa GGC? That’s a big company you are handling, Bakit parang kalmado ka na walang masamang mangyayari sa kompanya mo?”tanong ko sa kanya at pinulupot niya ang dalawang braso niya sa bewang ko at sinandal niya ang ulo niya sa likuran ko.

“Kasi kampante talaga ako sa kompanya ko, For seven years pinaghirapan kong gawing stable iyon para kapag dumating ka i can have enough time for you. Isa pa i can work kahit wala ako sa Office ko.”sabi ni TJ sa akin at napatango na lang ako, The perks of being the President of a big companies.

“Hindi ako makakasama bukas sa pabrika ng Couture as much as i want to pero may Family Reunion ang mga Gonzales by mean na Gonzales as in buong angkan ng Gonzales. I want to bring you pero busy ka bukas, Ihahabol na lang kita sa Dinner ayos lang ba sa iyo? Si Trick at Ashley muna ang dadalhin ko para makapunta ka talaga.”sabi niya kaya naman napatawa ako sa sinabi niya. Segurista kasi si Mr. Gonzales na pupunta ako.

“Okay, Let’s do your plan.”sabi ko sa kanya at hinalikan ko siya sa noo niya. Meeting with the Gonzales tomorrow night, Wala naman sigurong masama kung pupunta ko di ba?


I mean i am Trick’s mother who’s also a Gonzales after all. Hindi naman nila siguro itataboy ang anak ko dahil kamukha siya ni TJ, patunay na isa rin siyang Gonzales. Bakit ba parang kinakabahan ako? Siguro dahil Gonzales sila? Siguro dahil iniwan ko si TJ noon at pinaglaruan? Pero tapos na naman iyon kaya magiging okay lang, Sigurado ako.

My Guy (series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon